Sa gitna ng malamig na umaga sa Baguio, nagbanggaan ang dalawang mundo - hindi lang ng bakal at makina, kundi ng ego at emosyon.
Si Caliah Monteverde, isang photographer na sanay tumakbo palayo sa gulo, ay muntik mamatay sa ilalim ng gulong ng isang pulang Ferrari.
Sa loob ng sasakyan, si Tyvant Alexis Tuazon - mayaman, arogante, at walang pakialam - ang lalaking kilala sa bilis sa kalsada at sa pagiging malamig sa lahat ng bagay, lalo na sa damdamin.
Isang maling hakbang. Isang basag na cellphone.
At isang suntok na nagmarka ng simula ng digmaan sa pagitan nila.
Sa mundong puno ng pride, lihim, at sugat na hindi gumagaling, ang bawat pagkikita nila ay parang karera - walang preno, walang pakiusap, at laging may tatlong posibilidad:
ang magtulakan, ang masaktan, o ang muling umibig kahit mali.
Ako si Mime (Maym) Midler . Miyembro ako ng isang Secret Society - Air Gear Society. Lahat ng kabilang sa samahang ito ay gumagamit ng tinatawag naming 'Air Trek' o AT. Ang AT ay isang high tech motorized inline skates o sa pinakasimpleng paliwanag, "mga sapatos na may gulong at sariling makina. "Riders" ang tawag sa mga gumagamit nito - SA AMIN. Oras na may makakita sayong gumagamit nito, rehas ang diretso mo. Dahil kriminal ang turing sa mga Riders.
Her POV: Ako si Mime, isang babaeng buong buhay tinatago ang tunay na katauhan. At sya naman si "Killer Eye", ang lalaking walang ginawa kundi hukayin ang nakatago kong katauhan. Parang bastusan lang noh? Ewan ko ba. At bakit kamo 'Killer Eye' ang tawag ko sa kanya? Teka, naranasan nyo na bang saksakin, gilitan ng leeg o i-murder sa isang TITIG lang? Ako, OO. ARAW-ARAW. Naku naman! ANO BANG PROBLEMA NYA SAKIN?!
"The Air Gear Prince and Princess"
by cindie L.