ANOTHER TIME FROM HEAVEN
Isang kwento ng pagsisisi, pagkawala, at isang pag-ibig na hindi basta naglalaho kahit sa harap ng kalupitan ng tadhana.
Sa isang mundo kung saan ang pagmamahal ay tila isang kasalanan, dalawang puso ang lumaban para sa kanilang nararamdaman. Ngunit hindi lahat ng laban ay may panalo. Minsan ang pagmamahal ay nakasasakal, nababasag, nawawala. Sa pagitan ng isang gabing puno ng luha at isang umagang walang kasiguraduhan, may nawala na hindi na maibabalik.
Ngunit paano kung may pagkakataon pang muli?
Sa isang mundo na hindi niya alam, sa isang buhay na hindi niya inaasahan, naroon siya. Ang mukha na minahal niya. Ang mga mata na ginusto niyang titigan habang buhay. Pero isang masakit na katotohanan ang bumabalot sa muli nilang pagtatagpo.
Kung ang pagmamahal ay mas malakas kaysa sa kapalaran, handa ba siyang ipaglaban itong muli?
O ang pinakamasakit na pagpili sa lahat ay ang bumitaw
Isang kwento ng mga pusong hindi natutong sumuko, kahit pa ang mundo mismo ang humadlang sa kanila.
A story that explores the weight of regret, the agony of memory, and the question that lingers in every broken heart if given a second chance, would you rewrite the past, or finally learn to let go?