C O M P L E T E D S T O R Y
Magkaibang-magkaiba sila sa lahat ng bagay-si Sam, isang laid back at sarcastic na graphic designer na chill lang sa buhay, at si Theo, isang perfectionist at supladong marketing executive na laging may checklist. Nagkakilala sila dahil sa isang work collaboration project, pero imbes na teamwork, puro bangayan at asaran ang napapala nila. Para silang aso't pusa-walang araw na walang sabunutan... verbally.
Pero paano kung ang laging bangayan ay unti-unting nauwi sa concern? Paano kung ang inis ay napalitan ng kilig? At paano kung habang pilit nilang pinaninindigan na they "hate" each other, ay may puso na palang bumibigay?
Minsan, ang pag-ibig, nagsisimula sa inis.