I once had it all, from the peculiar features one could illuminate to the wilderness of knowledge and brains, everyone adored me. But I mourn to enclose: I was never truly close to having it all. Dahil kahit anong gawin kong paraan, katangahan pa rin ang hindi ko siya makalimutan. Hindi ko magawa lahat dahil kay Dean pa lang, isa na'kong tangang lagapak.
But as the rich passage goes, mawawala at mawawala rin naman ang emosyong nakabalut kung hindi na ito pagtutuunan ng atensyon. To truly undo something is to cut the very threads that made you hold on it in the first place, that's how it ends.
Ngunit paano kung ang gusto mong putuling koneksyon ay pinanghahawakan pa ng kabilang dulo?
Dean I. Cooper
Abreill Joy M. Ramirez
From the Everlasting Duology,
"Ano ba talaga ang pakiramdam ng masaktan dahil sa pag-ibig?"
Isa itong tanong na matagal nang bumabagabag kay Everlace Persephone Del Valle - isang babaeng walang ideya kung ano ba ang mga dapat gawin sa tuwing umiibig, kaya't nagpapatiagos na lamang sa lahat ng mga pangyayari. May mga nagugustuhan siya, oo, pero ni minsan ay hindi siya umabot sa puntong handang isuko ang sarili ng buong buo.
Hanggang sa dumating siya - ang lalaking parang unos na ginigising ang katahimikan ng kanyang mundo. Sa bawat ngiti, sa bawat titig, unti-unti niyang nakikilala ang kakaibang anyo ng pag-ibig... at ang hapding dala nito.
Ngunit kapag puso na ang nasaktan, may magagawa pa ba ang isipan?
Matututo kaya si Eve na magmahal nang may hangganan - o tuluyan na lang siyang malulunod sa damdaming hindi niya inasahang papasok sa kaniyang buhay?