Sa buhay ng tao , darating ang mga pagkakataon na maiisipan mong sumuko na lang at wag nang magpatuloy sa buhay . Maaaring isipin mong itigal ang lahat at umupo nalang sa isang tabi. Maaari ding sa hirap ng pinagdadaanan mo , gagawin mo ang lahat kahit pa ang kumapit sa patalim , masulusyonan lang ang problemang iyong dinadala.
Isang babaeng handang makipagsapalaran sa dilim , isang babaeng handang gawin ang lahat , mailigtas lang ang minamahal sa buhay . Inyong makikilala sa istoryang ito ang pagkataonakataga sa pangalang "DIVINE".
Maagang namulat sa karahasan ng mundo at nakaranas ng pang-aabuso. Kung kaya't kumapit sa patalim at piniling mamuhay sa dilim. Katawan ay nagsilbing puhunan sa mundong ginagalawan. May pag-asa pa kayang magbago ang kaniyang buhay kahit pa aliw ang hanap ng mga tao sa kaniya? May darating pa kayang magliligtas sa putik na kinasadlakan?
Ito'y kuwento ng isang babaeng tulog sa umaga, minsa'y nag-aaral din naman at gising sa gabi, madalas naghahanap buhay.