R-18
RANK 1- BOYTOBOY(08/28/2025)
RANK 1 -PINOYBROMANCE (07/16/2025)
RANK 1 -MXM
RANK 1 -BOYSLOVE 07/08/2025
Nagkunwari akong nabarang para lang mahilot ni Kuya Eli. Siya ang albularyong parang rebulto ng Santo, pero may abs. Lagi siyang topless at nakamaong na shorts na mas mababa pa sa moralidad ko.
May pako raw lumabas sa pwet, habang tumatae ako? Gawa-gawa ko lang 'yon. Ang totoo, gusto ko lang maramdaman ang haplos niya sa tiyan ko.
Langis, orasyon, at hilot...
Pero, sa bawat dampi ng kamay niya, ako itong kinukulam ng sariling libog.
Ito ay kwento ng pagpapanggap, pagpapa-hilot, at pag-ibig na mas malala pa sa kulam.
Tara tawa tayo!
Date Started: April 18, 2025
Date Completed: June 1, 2025
[ Note: Ang kuwentong ito ay una kong inanunsiyo na may titulong 'POSITIVE'. ]
Synopsis:
Sa buhay ng tao, ang mga pagkakamali ay normal lamang. Ito rin ang mabisang daan upang tayo ay makakuha ng aral.
Pero paano kung ang resulta ng mga pagkakamali sa nakaraan ay madadala na natin habang-buhay?
Isang halimbawa na lamang ang nangyari kay Rex. Dahil sa pagiging mapusok at mapaglaro ay nakuha nito ang isa sa mga itinuturing na pinakamatinding sakit sa mundo. Hindi niya ito matanggap. Hindi niya alam kung paano haharapin ang bukas. Pinili na lamang niyang sumuko lalo na at tinalikuran na siya ng lahat.
Ngunit sa kalagitnaan ng pakikibaka niyang iyon, dumating naman ang isang taong handa siyang tanggapin sa kabila ng kanyang kondisyon ---- si Alexis. Ano-ano pa kaya ang magiging papel nito sa buhay ni Rex?
Sinadya ba ito o itinadhana? Pinagtagpo ba sila upang may mabuksang isipan? Nangyari rin ba ang pagkikita upang ang isang pangarap ay mabigyan ng katuparan?
Tunghayan ang isang kuwentong maaaring magmulat sa atin sa reyalidad. Alamin ang pinagdadaanan ng mga taong nabibilang sa itinuturing ng marami na nasa ibang komunidad. Kilalanin sila at bigyan ng pagkakataon na sarili nila ay maihayag.
COMPLETED: MAY 2018
PUBLISHED: AUGUST 12, 2018