Dahil niloko ng nag-iisang lalaking minahal at pinagkalooban niya ng sarili, naging mapaglaro si Tasya sa pakikipagrelasyon at hindi na muling naging seryoso.
Isang gabi, sa isang hotel, nakaranas siya ng hindi inaasahang pangyayari. Nagkaroon siya ng sexcapade kasama ang apat na lalaki. Sa apat na lalaking iyon, may isang lalaking nakaagaw ng kanyang pansin. Hanggang sa naging pantasya niya ito gabi-gabi, sa kanyang pagtulog hanggang sa kanyang panaginip.
Makalipas ang limang taon, nakiusap ang step-sister niya na makipagsex siya sa asawa nito at magpabuntis at iwanan dito ang bata. Hindi kasi ito binibiyayaan ng anak dahil sa isang kondisyong medical. Pini-pressure na ang asawa nito na mabigyan sila ng apo. Dahil nangangailangan siya ng pera, pumayag siya.
Iyon pala ang magiging pinto para magkaroon ng kaganapan ang mga pantasya ni Tasha.
Naging magkapatid kami dahil pinakasalan ng nanay ko ang tatay niya. Noong unang araw na dumating kami sa bahay ng bagong asawa ng nanay ko, ramdam kong hindi kami tanggap ng pamilya niya, lalo na ang anak niyang lalaki, ang stepbrother ko. Malamig ang pakikitungo niya sa amin, lalo na sa akin.
Pero tiniis ko para sa magulang namin na nagmamahalan.
Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, namatay ang mga magulang namin dahil sa isang trahedya. Dahil doon nagbago ang stepbrother ko... Pagbabagong hindi ko maintindihan. Pagbabagong nagpapakaba sa akin. At isa lang ang gusto kong mangyari, ang lumayo sa kanya dahil sa ayaw ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa... pero kahit na anong gawin ko, hindi ako makatakas sa kanya.