Story cover for Between Bullets and Boxes (BXB)- ON GOING by cutelittleadam
Between Bullets and Boxes (BXB)- ON GOING
  • WpView
    Reads 29
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 4
  • WpHistory
    Time 25m
  • WpView
    Reads 29
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 4
  • WpHistory
    Time 25m
Ongoing, First published May 22
Nagsimula ang lahat sa isang order.

Isang mainit na hatinggabi, habang ang ulan ay walang patid na bumabagsak sa makipot na mga eskinita ng Tondo, may isang delivery boy na pilit pa ring binabaybay ang kalsada. Suot ang kupas niyang jacket, suot ang pagod sa mukha, dala-dala ang isang maliit na brown paper bag na may mainit na pares.

Si Zandro, Bente Kwatro, matikas, tahimik, walang pake sa mundo kundi ang makauwi ng ligtas at may kita.

Hindi niya alam na ang huling drop-off niya ay sa teritoryo ng Bakal na Kamatayan-isang kilalang gang na kinatatakutan sa buong lungsod. At doon niya unang nakita si Drexx.

Malalim ang mga mata. Matikas ang katawan. Punong-puno ng pilat at galit ang mukha. Si Drexx ang lider. Ang hari ng impiyerno sa lugar na 'yon.

Pero hindi galit ang unang sumalubong kay Drexx nang makita si Eli.
Hindi rin awa.
Kundi tanong.

"Anong ginagawa ng batang 'to sa gitna ng ulan, dala lang pares, sa oras na 'to?"
All Rights Reserved
Sign up to add Between Bullets and Boxes (BXB)- ON GOING to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
UNDER THE CITY LIGHTS(Bohol High Series #1) by Vilethornea
43 parts Complete
BNHS #1 Minsan, nahuhulog tayo sa dalawang puso. Ngunit bakit tila hindi pa rin matibag ang alaala ng unang pag-ibig? Siya ang unang nagpatibok ng puso, unang nagbigay ng ngiti at luha, unang nagturo kung paano magmahal at masaktan. Sa kanya natin naranasan ang mga "una"-ang ligaya, kilig, at sakit. Sa kanya natin unang naramdaman na tayo'y may halaga. Ngunit hindi lahat ng nagpapangiti ay nagmamahal. Hindi lahat ng titig ay totoo. Minsan, ang taong akala mong para sa'yo ay may hilig lamang sa paglalaro ng damdamin. Kaya kang pasayahin, pasiglahin, paniwalain na mahalaga ka-ngunit hindi pala ikaw ang pinili. Isang pagkukunwari. Hanggang pareho kayong nasaktan, parehong naging biktima ng isang lalaking hindi marunong makuntento. At dumating ang ikalawang pag-ibig. Marahan, tila lunas sa sugat ng nakaraan. Minahal mo siya-pero bakit may kulang pa rin? Sa bawat sulyap, hinahanap mo pa rin ang titig ng una. Sa bawat haplos, inaasam mo pa rin ang init ng dating damdamin. Hanggang mawala ang tiwala at respeto. At ang relasyon, sa halip na maging tahanan, ay naging tanikala. At sa oras na akala mong tapos na-siya ay muling babalik. Sa gitna ng katahimikan, muli siyang susulpot. Sa oras na natutunan mo nang mahalin ang bago, siya ay magpaparamdam. At ang puso mong pilit nang tumigil sa pagtibok para sa kanya-bigla na namang mabubuhay. Isang sulyap, isang salita, sapat na para balikan ang lahat. Sa ikatlong pagkakataon, ginulo ka na naman ng tadhana. Ayos ka na, handa ka nang mamuhay nang mag-isa, buo sa desisyong piliin ang sarili. Ngunit naroon siya, muling kumakatok. Nagpaparamdam. Umaasa. Kaya mo ba siyang tanggihan? Kaya mo bang talikuran ang pusong hindi mo kailanman lubusang nalimutan? Hanggang kailan mo kakayanin ang siklong paulit-ulit? At kung ang puso mo'y patuloy na tumitibok para sa kanya, may saysay pa bang ipilit ang paglimot?
You may also like
Slide 1 of 10
She Who Lived In Two Worlds (Cherry Blossom #1) cover
DARK UNIVERSITY (COMPLETED) cover
The Nerd's Adventure (GxG) cover
UNDER THE CITY LIGHTS(Bohol High Series #1) cover
The Secret Island cover
Umbrella  cover
Between serves and secrets cover
Acrimonious Heart: The Last Bullet 🔞 cover
Heartless Meet Cold Gangster King (R+16) cover
When words fade cover

She Who Lived In Two Worlds (Cherry Blossom #1)

9 parts Ongoing

Si Ashlline ay isang dalagang palangiti at masiyahin, na laging may ngiti sa labi. Kilala siya sa kanilang lugar bilang isang mabait at matulunging tao, at mahal siya ng mga tao dahil sa kanyang kabutihang loob. Mahilig siyang manood ng BL series, isang libangan na nagpapaligaya sa kanya tuwing may oras siya para mag-relax. Isang araw, habang naglalakad siya pauwi at tinutukso ng mga nangbubully sa kanya, hindi nila namalayan na nakalabas na sila ng school at naglalakad na sa kalsada. Habang nagtatakbuhan sila, hindi niya napansin ang paparating na malaking truck, at sa isang iglap, nabangga siya. Inisip niyang tapos na ang lahat, pero nang magising siya, nagulat siya na nasa school pa rin siya. Parang walang nangyari. Dito magsisimula ang mga bagong bagay sa buhay niya. Habang unti-unti niyang pinagmamasdan ang kanyang paligid, napansin niyang may mga bagay na tila hindi na tulad ng dati. Ang mga kaibigan, ang school, pati na rin ang mga pakiramdam niya-lahat ng ito ay nagiging kakaiba. At dito na magsisimula ang isang bagong paglalakbay kung saan madidiskubre niyang ang mga nangyaring ito ay may mas malaking kahulugan. Maaaring ang ngiti niya ang magiging susi sa mga pagbabago, o baka may mga misteryo pa siyang kailangang harapin bago matutunan ang tunay na kahulugan ng kanyang tadhana.