Story cover for Sa Iyo Ang Lahat, Sa Akin Ang Kanyang Pag-ibig(This is a True Story)|By:Rose Ann by kiaralakshmi
Sa Iyo Ang Lahat, Sa Akin Ang Kanyang Pag-ibig(This is a True Story)|By:Rose Ann
  • WpView
    Reads 1,893
  • WpVote
    Votes 10
  • WpPart
    Parts 13
  • WpView
    Reads 1,893
  • WpVote
    Votes 10
  • WpPart
    Parts 13
Complete, First published May 24
Mature
Umibig sila sa isa't isa sa panulat. Ngunit hindi dumating si Alvin sa takdang-araw na makikipagkita ito sa kanya.

Bagkus,isang guwapo at matipunong lalaking nagngangalang  "Leandro" ang biglang sumulpot sa kanilang lugar.

Pero tiyak ni Nadia na ito si Alvin. Pero bakit siya nito itinatatuwa? Ang masakit, ang pinsan niya ang niligawan nito.

Dala ang sawimpalad na puso, lumayo siya upang lumimot.

Noon naman siya sinundan ni Alvin, na nanumbalik na sa tamang huwisyo mula sa sakit na amnesia.

"Nadia,alam kong nag-iisa ka lang diyan. Hindi ka ba natatakot? Baka kung ano'ng mangyari sa 'yo."

"Wala kang pakialam! Kahit mamatay ako ay wala kang pakialam!"

"Hindi puwedeng wala akong pakialam. Mahal kita."

Napapikit siya, napaiyak dahil sa sinabi nito. Ngunit galit talaga siya rito. "Umalis ka na, hindi na kita mahal!" asik niya rito.

Sinungaling! sigaw naman ng kanyang umiibig na puso.


A Romance novel written by Rose Ann
Precious Heart Romance
All Rights Reserved
Sign up to add Sa Iyo Ang Lahat, Sa Akin Ang Kanyang Pag-ibig(This is a True Story)|By:Rose Ann to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
Breaking His Defenses (COMPLETED /raw version Published under PHR) by YsadoraPHR
28 parts Complete
Ebook format available at: https://preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/1782/Breaking-His-Deffenses Teaser: "Nasa akin na ang pinakamaganda at pinaka-sweet na babae sa balat ng lupa. Kaya mamatay sila sa inggit." Nine years old pa lamang si Patti ay alam na niya kung sino ang lalaking para sa kanya. Iyon ay walang iba kundi ang Mr. Incredible na kapitbahay niyang si Simon. Alam din ni Simon ang pagiging hibang niya rito pero dead-ma lang ang lalaki sa lahat ng efforts niya. Sanay na si Patti na laging hindi pinapansin ni Simon. Pero ang pinakamasakit ay ang harap-harapan nitong pag-reject sa kanya bilang ka-date sa JS prom. Palalampasin na sana niya ang ginawa nito, pero bakit tila naiinis si Simon nang makahanap si Patti ng ibang ka-date na guwapo at magaling ding mag-basketball tulad ng lalaki? Biglang nagbago ang pakikitungo sa kanya ni Simon nang maging malapit sila ni James. Could it be that he was jealous of James? ---Isa po ito sa pinakapaborito kong published book dahil inspired po ito sa crush kong basketball player ngayon. Kininilig pa rin ako tuwing naiisip siya. Hehehe! Sana mag-enjoy kayo sa story! p.s. unedited version po ulit ito... pasensya po kung may masalubong kayong 'wg' at 'typo'. Published under Precious Hearts Romances, please grab a copy of the book version at National Bookstores, Precious Pages Outlets and other bookstores. Highest Ranking in Romance: #68 - October 22, 2017
You may also like
Slide 1 of 10
Puppy Love, First Love At True Love cover
Bachelor's Pad book 5: Mr Hotshot (Ryan Decena) cover
Cupid's Trick cover
Chances (Published under PHR) cover
Stuck With Me - Published under PHR cover
Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED) cover
When Anne Meets West Again (ebook under PHR) cover
Nakakabaliw, Nakakamatay (Published under PHR) cover
The Unscripted Love (UNEDITED & COMPLETED) cover
Breaking His Defenses (COMPLETED /raw version Published under PHR) cover

Puppy Love, First Love At True Love

18 parts Complete

"Hintayin mo ako! Paglaki ko! Hahanapin kita tapos liligawan kita! Ako ang mag-aalaga sa'yo! Hindi kita paiiyakin! Papakasalan kita! Promise!" JB was only thirteen years old when his heartbeat fast for the first time. Nang mga panahon na iyon, hindi pa niya alam ang tawag sa nararamdaman. Basta ang malinaw sa kanya ay masaya siya sa tuwing nakikita niya ang babaeng iyon. Nang makilala niya ito at nalaman na Yerin ang pangalan nito ay palagi na siyang naksunod dito. Hanggang sa nakita niya isang araw kung paano ito masaktan at umiyak ng dahil sa ibang lalaki. Kaya nangako siya na paglaki niya ay siya ang mag-aalaga dito at hindi niya ito papaiyakin. Labis ang kalungkutan niya nang umalis ito, kaya sinabi niya sa sarili na hahanapin niya ito at liligawan kapag nagbinata na siya. Ngunit parte na nga yata ng salitang "pag-ibig" ang masaktan at lumuha. Nagising na lang siya isang araw na wala na si Yerin. Napag-alaman niya na umalis na ito at lumipad papuntang America. Sa paglipas ulit ng panahon, inakala ni JB na sa pag-alis ni Yerin matatapos ang masaklap niyang first love. But fate brought her back in his life. Kaya nangako siya na sa pagkakataon na ito, hindi na niya hahayaan pang mawala ito sa buhay niya.