Story cover for When I Grow Up, I Want to Marry You. by dahlia_fairest
When I Grow Up, I Want to Marry You.
  • WpView
    Reads 18
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 6
  • WpView
    Reads 18
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 6
Ongoing, First published May 24
Simula ng makita ko ng paulit ulit ang reels na may caption na when I grow up, I will mary you. Napatanong ako sa sarili ko bakit ba palaging na appear ito sa fb page ko? After few minutes, napangiti ako naalala ko ang dalawang bata. Since, toddler magkapitbahay na sila at magkalaro. Ezekiel ang pangalan ng batang lalaki, mayroon siyang kapatid na babae siya naman si Hilary. Sundalo ang kanyang ama at housewife naman ang kanyang ina. Nakakaangat sila sa buhay. Ang batang babae naman ay si Blessy, mayroon din siyang kapatid na babae at ang ngalan ay Nica. Isang tricycle driver ang kanyang ama at housewife rin ang kanyang ina. Nasa tamang antas sila ng pamumuhay. Sumasama ang nanay nina Blessy sa pamamasada kaya naiwan silang magkapatid sa bahay. Ang daddy naman ni Ezekiel ay nadestino sa malayong lugar. Naiiwan rin silang mag isa sa bahay nila kapag nag grocery ang mommy nila. 

FYI: Sa caption na ito, nagkaroon ako ng idea na gawing pamagat sa short story ko.
All Rights Reserved
Sign up to add When I Grow Up, I Want to Marry You. to your library and receive updates
or
#279watty
Content Guidelines
You may also like
Don't Cry Louie by johnyuan38
19 parts Complete
Ipinanganak akong straight na lalaki. Oo, sigurado ako do'n. Walang duda. Bagamat ang tiyuhin ko na isang bading ang nag-aruga sa akin mula pagkabata ay hindi naman nito naimpluwensyahan ang aking pagkasino. Sabi kasi ng karamihan, kapag ang isang lalaki ay napapaligiran ng mga bading, magiging kauri na din nila ito. Tangna, sana naman hindi. Sa edad kong labinwalo, at sa guwapo kong ito. Maniwala ka man o hindi, dalawa lang ang naging girlfriend ko ngunit mipagmamalaki kong lahat iyon ay seryosohan. Hindi kasi ako mapaglaro. Ang pag-ibig ay hindi libangan o pampalipas oras lang, iyan ang turo sa akin ng tito kong bading na si YOWHAN o mas kilalang bilang si Daddy Yo. Ewan ko ba, seryoso naman ako pagdating sa usaping pag-ibig. Lahat ibinibigay ko kahit na ubos na ang aking allowance. Hindi. Lahat binibigay kong pagmamahal, pag-aaruga at pagmamalasakit subalit bakit tila yata hindi parin iyon sapat sa kanila. Bakit lagi nila akong iniiwan. Bakit nila ako ipinagpalit sa iba? Pambihira. Dahil sa sunud-sunod na kabiguan, naglie-low muna ako sa pakikipag-girlfriend. Nagfocus na muna ako sa aking pag-aaral at pagwoworking student. Subalit kung kailan naging maayos na muli ang takbo ng buhay ko, ay siya namang pagsulpot ni LOUIE sa buhay ko. Katorse anyos na batang lalaki....at patay na patay sa akin? Whoooh..hanep..Akalain mo? Saan ako dadalhin ng pag-ibig ni Louie? Magawa ko kayang tumbasan ang pag-ibig na iniaalay niya? Gayung alam kong lalaki kaming pareho.
LIES AND TRUTH (ONE-SHOT STORY) by FoxyFridz
1 part Complete
“NOOOOOOOOOOOO!” Malakas na sigaw ng isang dalaga. Dinig na dinig ang boses nito sa buong kabahayan sa lakas ng pagkakasigaw nito na nagmumula sa may study room. “Calm down Collette. Why are you screaming at your father?” anang ginoo na ama ng dalaga. “You want me to calm down? You want me to CALM DOWN? For goodness sake dad, how can I calm down when you want me to marry a stranger all of a sudden? Dad, this is insane!” histerikal na wika ng dalaga. “Hija, Axel is a good guy. And I know he will be a responsible husband for you. He’s smart, handsome and rich. He can help you manage our business when I’m gone.” Anang kanyang ama. “And he is your childhood friend before his family migrated abroad. Hindi mo na ba siya natatandaan. “No! You cannot drag me into this foolishness of yours!” ani Collette. “Hindi ko siya natatandaan at kung matandaan ko man siya, di ko pa rin siya pakakasalan.” at tumayo na para iwan ang kanyang ama. Collete couldn't understand her father for bringing up that arranged marriage all of a sudden. Axel is part of his past and she already buried his memories together with their friendship. Kaya naman hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang itong susulpot sa buhay niya at gusto siyang pakasalan. She needs to find a way to escape at ang tanging paraan na naisip niya eh ang tumakas at manirahan sa isang pribadong isla na pagmamay-ari ng dati niyang manliligaw. But what if destiny steps in and she meet someone she would fall for? Will she go for it to revenge with her father or will karma walks in?
Tears of the Girl Named Sea (COMPLETED) by imunknownperson
32 parts Complete Mature
TEARS OF THE GIRL NAMED SEA "Sigurado kana ba? Wala ng bawian ito anak." Tumango ako pagkatapos ay sinara ang malaking maleta. "Wala po Dad. Salamat sa lahat." "You don't need to say thank you, that's what parents do." Huminga ito ng malalim. "Sandali lang tatawagin ko ang Mommy mo para matulungan ka sa pagiimpake." Dumating ang araw ng pagalis ko, malungkot akong nagpaalam sa magulang ko. Napagdesisyunan kong hindi gamitin ang ebidensiya at hayaan na ang hukuman ang humusga. Hindi na rin ako nakaattend ng huling hearing dahil tumapat ito sa flight ko. ---------- "Ma'am you want coffee?" Napabalik ako sa kasalukuyan ng magtanong ang flight attendant. "No, thank you." Sagot ko. Napasandal ako sa kinauupuan at napakagat sa labi ng maalala ang naging desisyon ko. Pinagisipan ko itong mabuti, inaral ko ang posibleng epekto nang magiging desisyon ko. At dun nga pumasok sa isip ko na itigil ito. Ang dami nang nadamay, nasaktan dahil sa galit ko. Iba talaga kapag galit ka, wala kang makialam kung sino ang matamaan, hindi ko man lang naisip na may pamilya silang walang kinalaman ngunit nasasaktan. Ayoko nang baguhin ang buhay nila dahil sa pagkakamali na matagal na nilang pinagsisihan. Hindi ako Diyos para magpasya sa kaparusahan nila, kung Diyos nga nagpapatawad paano pa kaya ako. Masaya akong nakilala sila, lalo na si Lucas binago niya ang buhay ko. Marami siyang tinuro sakin, siguro kung hindi ko siya nakilala nandun parin ako sa point na hinahanap ang sarili ko. He became my life, my everything. I loved him so f*cking much at umaasa akong magkikita ulit kami pagdating ng panahon. Kung hindi man... mananatili siyang parte ng nakaraan ko na hinding hindi ko makakalimutan. ⚠WARNING: PLAGIARISM IS A CRIME
You may also like
Slide 1 of 10
Laging Stop ang Pag-ibig cover
MAPAGLARONG TADHANA cover
Don't Cry Louie cover
My Alpha's Mate (COMPLETE) cover
TruFake🌌❤ cover
LIES AND TRUTH (ONE-SHOT STORY) cover
My House Husband [Completed Story] cover
Speak Now cover
Unexpected BAby For BILLIONAIRE BOSS (completed) cover
Tears of the Girl Named Sea (COMPLETED) cover

Laging Stop ang Pag-ibig

14 parts Complete

Sa mga rom-com, pansin nyo ba ang best friend ng leading lady? Ang comic relief? Yung parang walang buhay sa labas ng mga bida? Pag nagkita sila ni leading lady, love life lang ni leading lady ang topic at out na sa eksena pag hindi na kailangan. Usually, plain looking siya. Minsan chubby pa at pag galit ang writer, ginagawang jubese. Ganyan ako. Hindi jubese (chubby lang, no), pero invisible madalas pag kasama ko ang kaibigan kong pang leading lady material. Ang complete name ko ay Maria Belbes. Yun lang talaga. Wala ng kasunod ang Maria. Di ba ang ibang mga babae parang joke time lang ang Maria sa name nila? Tipong Ma. Lourdes Maricel Churva. Ako hindi, yun lang talaga ang pangalan ko. Minsan pag tinatamad ako, nilalagay ko lang Ma. Belbes. Tipid sa effort. Tinanong ko minsan ang nanay ko bakit yun pinangalan nila sakin. Sabi nila, yun ang una nilang naisip. Actually dapat may kasunod pa, kaso hindi sila nag-agree kung Nora o Vilma. Vilmanian ang nanay ko, Noranian ang tatay ko. Buti na lang hindi sila nagkasundo at naging Maria lang ang pangalan ko. Hindi ata bagay ang Maria Nora o Maria Vilma sa akin. Muntik na akong maging Maria Nora Vilma o Maria Vilma Nora pero hindi din sila nagkasundo kung Nora o Vilma ba dapat ang mauna. Parang billing lang. Buti naman. Child abuse na ang tatlong pangalan. Ito ang kwento ko. Ito ang boses ko.