We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.
THE SIXTH SENSE

THE SIXTH SENSE

  • WpView
    Reads 20
  • WpVote
    Votes 5
  • WpPart
    Parts 2
WpMetadataReadMatureComplete Mon, Jun 2, 202517m
WpInfo
Fiction
Action and Thriller
Sa abandunadong Unit 128, nananahan ang katahimikang may kasamang bulong; isang bulong na naririnig lamang ng mga kaluluwang hindi lubusang nakalalagpas sa liwanag. Si Elvira Magsaysay, isang ikalawang taong mag-aaral ng medisina, ay hindi pangkaraniwan. Taglay niya ang isang pambihirang kakayahan-ang third eye, ang mata ng kamalayan na nakakikita sa mga bagay na lampas sa lohika, sa mundong hindi kayang maunawaan ng karaniwang pandama. Ang kaniyang third eye ay hindi biyayang pinili kung 'di kapalarang ipinamana, isang sumpang unti-unting gumigising habang siya'y naninirahan sa lumang unit. Dito, ang mga multo ng nakaraan ay hindi na nananatili sa anino; sila'y nagpapakita, nakikipag-usap, humihingi ng hustisya. Sa pagdilat ng kaniyang ika-anim na pandama, kasabay ring nabubuksan ang pinto sa mga lihim na matagal nang isinara-mga kuwentong nilimot, mga pagkamatay na binalot ng katahimikan, at isang kasaysayang tila may kaugnayan sa kaniyang sariling pinagmulan. Ang third eye ni Elvira ang nagsisilbing tulay sa pagitan ng dalawang mundo-ang mundo ng mga buhay at ang mundo ng mga patay, mundo ng nakaraan at ng kasalukuyan. Ngunit sa bawat pangitain, sa bawat kaluluwang dumaraan, unti-unting nabubura ang linya sa pagitan ng katotohanan at kabaliwan. Dito na nagsisimulang mabalot ng takot ang kaniyang pag-iisa, at sa katahimikan ng gabi, siya'y hindi na sigurado kung sino ang mas dapat katakutan-ang mga multo nga ba, o ang sarili niyang alaala? Ang kuwento ay isang masalimuot na pagsisid sa pagitan ng reyalidad at kababalaghan ng trauma at katotohanan. Habang patuloy na binabagabag si Elvira ng mga ligaw na espiritu at nakakikilabot na pangitain, kasabay rin niyang binubuo ang isang mas malalim na palaisipan: sino nga ba siya bago ang aksidente? At kaninong tinig ang humihingi ng katarungan sa dilim?
All Rights Reserved
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • Chasing what you lost, Love take 2 (WHEN WE WERE JUNIORS SERIES #2)
  • My Father Obsession ( Step father)    Complete ✅
  • Cathaleya
  • BLOODY AFFECTION (COMPLETED)
  • I'll be Waiting for you (When We Were Juniors Series #4)
  • BOOK 1: AUREN VALTAROS
  • The Echoes of Regrets (When We Were Juniors Series #1)
  • UNDER THE CITY LIGHTS(Bohol High Series #1)
  • Maid To Be His (Under Revision)
  • The Mysterious Secret of St. Madrigal University

"Sa sobrang pag mamahal ko sa'yo, hindi ko na namalayan na minamahal mo na pala ang ate ko." I have a long time crush since I was a kid. I'm Roselyn Allison Guanzon, middle child ako sa aming magkakapatid pero hindi ako nakakaramdam ng unfair treatment dahil hindi namin kasamahan sa bahay ang aming mga magulang. Ako ang nag aalaga sa bunso kong kapatid. Pinangarap ko noon na sana pansinin ako ng crush ko, at dumating na 'yung araw na nagkaroon kami ng komunikasyon. Si Eryan MCcallister Calayag, ang lalakeng matagal ko ng nagugustuhan. Unang kita ko pa lang sa kanya ay alam ko sa sarili ko na crush ko siya, hanggang sa lumipad ang mga araw, buwan at mga taon-na siya pa rin ang tinitibok ng puso ko. Noong una ay magkaibigan lang kami, hanggang sa nag tuloy-tuloy ang pag-uusap namin at nagkaroon kami ng relasyon. Maayos ang aming relasyon, walang loko-loko sa aming dalawa. Pareho naming pinipili na intindihin ang isa't isa. Pero kahit na anong ayos ng relasyon n'yo ay may sisira talaga. Nakita ko siya na may kahalikan na babae.

More details
WpActionLinkContent Guidelines