He finally closed his eyes in resignation as he visualized every detail of her face. For the first time in his life, Marc felt so alone. Ngunit napangiti lang siya sa kanyang panghihina. Magaan ang kanyang pakiramdam. "okay lang kahit wala na sila. Isang bagay lang ang importante sa akin." Kahit na wala na ang taong tumitingala at humahanga sa kanya - ang mga fans sa basketball court na sumisigaw sa kanyang name at ang mga nakikinig at ang mga pumupuri sa kanyang tinig - masaya pa rin si Marc. Isang bagay lang ang importante kay Marc sa mga sandaling iyon - ito ang pag-asa na tatanggapin siyang muli ni Diana. Marahan niyang minulat ang kanyang mga mata nang makarinig ng mga yapak papalapit sa kanya.