31 parts Complete MatureThe Boy in Black Hoodie
Sa isang ordinaryong campus kung saan araw-araw ay paulit-ulit na gulo, ingay, at klase, hindi ko akalaing may isang taong darating na sisira sa normal kong mundo.
Isang umaga, nakita ko siya-
nakasuot ng makapal na black hoodie, nakayuko habang naglalakad, parang ayaw na ayaw makihalubilo sa kahit sino. Tahimik lang siya, pero ramdam mo ang bigat ng presensya niya. 'Yung tipong isang tingin mo pa lang, alam mong may mga bagay siyang pinipiling itago kaysa ipaliwanag.
Wala siyang pakialam sa mga tao.
Wala siyang balak makipagkaibigan.
At wala siyang kahit anong emosyon sa mukha.
Pero bakit sa tuwing dumadaan siya...
parang lumiliit ang mundo ko?
Transfer student daw siya.
Hindi raw siya tumatagal sa isang school.
At sa likod ng hoodie niyang hindi niya tinatanggal, maraming tsismis ang kumakalat-may sinaktan daw siya, may tinakbuhan, may nangyari raw sa dati niyang paaralan na ayaw pag-usapan.
Pero lahat ng tao natatakot...
ako lang ang hindi.
Dahil sa hindi ko maintindihan na dahilan, mas lalo akong naa-attract sa katahimikan niya. Sa mga mata niyang parang laging malungkot. Sa paraan niyang pag-iwas na para bang may pinoprotektahan.
Hanggang sa isang araw, nalaman ko ang malaking sikreto niya-
isang sikreto na hindi lang kayang sirain ang reputasyon niya...
kundi pati na rin ang puso ko.
At simula noon, hindi ko na alam kung dapat ba akong umatras...
o lalo pang lumapit sa boy in black hoodie na unti-unting nagiging sentro ng mundo ko.