Akala ni Elise Imperial tadhana na ang pinaka-cruel na kalaban niya.
Pinaalis sa Manila at dinala sa Santa Vela dahil hiling ito ng kanyang Lolo, pero para sa kanya, isa lang itong paraan para tuluyang alisin siya sa buhay ng sariling pamilya.
Sa gitna ng probinsya, makikilala niya si Andres Luis Fuentabella-tahimik, seryoso, at may sariling mundo. Apo ng pinakamakapangyarihang pamilya sa Santa Vela, kilala si Andres sa pagiging mapili kung sino ang pinapalapit niya sa buhay niya.
Sa bawat pagdaan ng araw, unti-unting matutuklasan ni Elise na hindi lang pala simpleng bukid ang meron sa Santa Vela... kundi mga sikreto, alaala, at mga taong handang magparamdam kung ano talaga ang ibig sabihin ng "Pamilya."
At sa dulo, hindi na niya alam kung siya ba ang itinapon dito-o kung siya pala ang talagang para dito.
"Minsan, kailangan mo munang mawala para mahanap kung saan ka talaga nababagay." - Elise
Wszelkie Prawa Zastrzeżone