Isang ordinaryong araw lang sana para kay Elara, pero nang mabangga niya ang campus president na si Caspian Velmont, ang inabot niya ay sungit at malamig na titig. Akala niya doon na matatapos ang lahat pero bakit parang lagi na lang silang nagkakasalubong? At bakit kahit suplado ito, parang may kakaibang atensyon sa kanya? Sa bawat pagkikita nila, mas lalo siyang nahahatak sa mundong puno ng tanong, lihim, at mga titig na may kahulugan. Hindi niya sinadyang pumasok sa buhay nito... pero baka matagal na pala siyang bahagi ng kwento.