Maraming bagay ang tila kumplikado kung iisipin, marami rin ang hindi mo aasahang mangyayari. Ang lahat ng iyon ay madalas tadhana ang may gawa. Pero hindi lahat ay ginawa para umayon sa ating mga kagustuhan.
Sa ikatlong taon sa kolehiyo ni Sia o Sean Real sa totoong pangalan nito, tila nagsisimula nang makilala ang kaniyang ngalan sa kanilang unibersidad. Sa unti-unti niyang pagsikat ay tila di inaasahang magtatagpo ang landas nila ng lalaking hanggang sa malayo niya lang natatanaw. Sa hindi malaman ay saya ang dulot nito sa kaniya, subalit ang paglalapit ba nilang dalawa ay itinadhanang magtagal? O isa lamang sa kaniyang mga kwentong pinagtapo subalit hindi itinadhana.