She thought no pain could ever compare when your mother died, until he walked into her life with sharper truths.
Tahimik ang buhay ni Celestine Salvacion, simula nang ilayo siya ng kaniya ina sa kadilimang dala ng kaniyang apelyido. Ngunit nang pumanaw ito, wala siyang nagawa kundi bumalik sa tahanan ng mga Salvacion. Doon, kapangyarihan ang namamayani... walang matatamong pagmamalasakit o pagmamahal.
Siya ay naging simbolo ng lahat ng kinamumuhian nila... kalahating banyaga, kalahating dugo. Hindi man siya sinaktan ng pisikal, pinadama naman nilang hindi siya kabilang... ang pangungutya, katahimikan, at malamig na pagtanggap. At sa mismong gabi ng kanyang ikadalawampung kaarawan, parang doon pa lang nagsimula ang kalbaryo sa kaniyang buhay... At ang tanging makakatulong lang sa kaniya ay si Magnus Lazaro, isang kilalang abogado sa mundo ng hustisya.
Tuluyan nga ba siyang mawawala sa paghihirap ng dinadala niyang dugo o mananatili sa sakit ng apelyidong hindi niya kailanman hiningi, pero pilit na iniuukit sa kanyang pagkatao?