Lahat sila matatalino. Lahat sila achievers. Lahat sila may sikreto.
At ngayon... isa sa kanila, patay na.
Nang misteryosong matagpuang patay si Elaine, ang top student ng klase, sa loob mismo ng kanilang paaralan, mabilis lang na isinara ng mga pulis ang kaso: "accident lang daw." Pero sa likod ng grades, medals, at perfect attendance, may limang matatalinong estudyante na hindi naniniwala sa kwento ng mga otoridad.
Mia, Andrea, Kyla, Nathan, at Jace, limang matatalik na magkaibigan, at mga top student ng kanilang batch, ang magpapasya na alamin ang totoo. Hindi sila detectives. Wala silang training. Pero may isang bagay silang meron: utak at motibo.
Habang mas lumalalim ang imbestigasyon, mas nadidiskubre nila na hindi lang si Elaine ang may tinatagong lihim.
At ang pinakanakakatakot na tanong:
Isa ba sa kanila ang susunod?
Welcome to Detention Class A.
"Detention Class-A"
Nangako si Sydney sa tita Miko niya na aayusin na niya ang kanyang pag-aaral. Paano ba? Kung hindi pa siya nakaabot ng dalawang linggo ay napunta na siya sa infamous Detention Class- A.
ang kilalang tambakan ng mga problemadong estudyante-mga 'di kayang i-expelled pero ayaw ding makihalubilo ng paaralan. A.K.A the black sheeps.
Akala niya'y parusa ito. Pero habang tumatagal, mas lalo niyang nararamdaman na mas makulay ang buhay sa DC-A kaysa sa mga perpektong sections. Dahil dito, sa wakas, nahanap ni Sydney ang tahanang matagal na niyang hinahanap. Kahit ang mga kaklase ay lokong loko, laging target ng away at mga paratang. Pero pinili ni Sydney na manatili.
Pero paano kung ang tahanang iyon ang mismong maglalantad ng mga lihim na matagal mo nang ibinaon? At paano kung sa gitna ng kaguluhan, ikaw pala ang tunay na dahilan ng unos?
Pipiliin mo pa rin bang manatili? Paano na ang tinatawag mong kaibigan? Meron pa ba?