Para sa lahat, si Jaime Nicolas ang perpektong best friend. Ang laging nandiyan, ang 'ride or die', ang 'partner in crime' ni Austin Marquez. Sa bawat tawa, bawat problema, bawat tagumpay, at bawat girlfriend ni Austin, nasa tabi niya si Jaime-nakangiti, sumusuporta, at nagbibigay ng payo.
Pero sa likod ng mga ngiting iyon, may lihim na itinatago si Jaime. Isang pag-ibig na unang namuo, lumalim nang husto, at naging sentro ng mundo niya. He fell first, and he definitely fell harder.
Ito ang kwento kung paano niya minahal si Austin Marquez sa paraang hindi nito alam. Kung paano niya piniling manatiling matatag na kaibigan sa halip na umaming nagmamahal. Isang kwento ng pag-ibig na kailanman ay hindi binigkas, isang pusong bumagsak pero isang taong hindi kailanman natumba. Dahil minsan, ang pinakamatapang na desisyon ay ang hayaan ang puso mong mawasak para lang mapanatiling buo ang taong mahal mo.
He fell in love, but he never fell from grace.
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo na papakasalan. She'd settle for nothing less. And when she set her eyes on Cohen Isaac Gomez de Liaño... she knew that she'd stop at nothing to get him to notice her.