May ibig sabihin nga ba ang mga panaginip natin? Sabi nila maaring ang mga ito ay mga pangyayari sa ating nakaraan na pilit nating kinakalimutan o nakalimutan. Sabi ng iba, nakukuha lang daw natin ito dahil sa kapapanood ng mga palabas sa telebisyon. Pwede rin daw na pumasok lang ito sa isipan natin habang tayo ay natutulog. Eh ang panaginip ni Bella? May ibig sabihin kaya? Kung mayroon man? Ano kaya ang gustong ipahiwatig nito sa kanya? Panaginip pa ba ang tawag kung ang mga pangyayari nung ikaw ay natutulog ay unti-unti na ring nangyayari sa totoo mong buhay?