Story cover for Majicus: Ang Kapangyarihan ng Salita  by lokixcel
Majicus: Ang Kapangyarihan ng Salita
  • WpView
    Reads 18
  • WpVote
    Votes 8
  • WpPart
    Parts 3
  • WpView
    Reads 18
  • WpVote
    Votes 8
  • WpPart
    Parts 3
Ongoing, First published Jun 10
Sa kaharian kung saan ang Mahika ang sandata upang umangat sa lipunan, isinilang ang sanggol na bunga ng pagmamahalan ng sumpa at kadiliman. Siya ang sanggol na tatapos sa pamumunong pumapatay sa lahi ng nagiging hadlang sa tuluyang pagkasira ng kaharian. Gamit ang Mahika ng Salita at Isipan, lulupigin ni Alora ang huwad na liwanag na bumabalot sa buong Majicus. Siya ang itinakda ng propesiya na magdadala ng salot sa Ulwahan at magliligtas sa kaharian. Siya ang sumpa sa kanilang lahi at ang liwanag ng kanilang mundo. Ang itim na salamangkerang nagtataglay ng kapangyarihang ipinagbabawal sa kahariang pinamumunuan ng Haring may kapangyarihang hindi mapantayan.
All Rights Reserved
Sign up to add Majicus: Ang Kapangyarihan ng Salita to your library and receive updates
or
#63mahika
Content Guidelines
You may also like
Haliya Aurora: Vengeance of the Wicked [Completed] by MoonlightMaddox
31 parts Complete Mature
Sa mundo ng mahika na kung tawagin ay Valderia ay nananahanan ang mga nilalang na kilala bilang mga lobo at bampira. Kahit na mortal na magkaaway ang dalawang panig ay nagkasundo sila sa paglaon at pagkumpas ng mahabang panahon. Tumigil ang alitan ng dalawang panig at ang lahat ay namuhay nang payapa't matiwasay. Walang away. Walang gulo. Walang digmaan. Subalit ang kapayapaang iyon ay dagliang nagwakas nang isang panibagong nilalang ang gumulantang sa kanilang lahat. Isang nilalang na higit na mas malakas at higit na mas makapangyarihan kaysa sa kanilang lahat. At ang nilalang na ito ay walang iba kung hindi ay ang nilalang na naging banta sa kanilang mga buhay. Ang mga mangkukulam. Dahil sa higit na mas makapangyarihan ang mga ito kaysa sa kanila ay nakaramdam sila ng takot. Takot sa mga maaaring gawin ng mga ito laban sa kanila. Kung kaya't dala nang labis na pangamba't ganid sa kapangyarihan ay nagkasundo ang mga lobo at bampira na tapusin ang angkan ng mga mangkukulam. Tinugis nila ang mga ito at isa-isang sinunog. Kahit na anong pakiusap at pagsusumamong gawin ng mga ito ay hindi nila pinakinggan at walang pag-aalinlangan nilang pinaslang. Subalit ang huling mangkukulam na pinatay nila ay nag-iwan ng isang sumpa na siyang naging dahilan upang lahat sila ay mabahala. Sumpang siya'y magbabalik at maghahasik ng lagim at lahat ng nagkasala sa kaniya't sa kaniyang mga kauri ay kaniyang pagbabayarin. At dahil sa sumpang iyon ay nilamon ng takot at pangamba ang mundong kinagagalawan nila. Huli na nang mapagtanto nila na ang mangkukulam na iyon ay ang mangkukulam na siyang higit na kinakakatakutan ng lahat ng mga mangkukulam sapagkat ito at tanging ito ang kahuli-hulihang lahi ng mga itim na mangkukulam. At ang kaniyang pangalan dala ng kaniyang sumpa sa buong sanlibutan ang siyang tumatak sa isipan ng buong sangkatauhan. Siya ay walang iba kung hindi ay si Aurora. . . Ang nag-iisang pinakamakapangyarihang mangkumulam sa mundo ng Valderia.
You may also like
Slide 1 of 9
Binayaan: Hagupit ng Ganti  cover
Mystery Love ( Completed Story) cover
ALONA: Ang Mortal cover
The Last Gray-Haired Witch cover
Magical Love cover
The Missing Kingdom of Izles cover
The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed] cover
Luminus: The Enchanted Book [COMPLETED] cover
Haliya Aurora: Vengeance of the Wicked [Completed] cover

Binayaan: Hagupit ng Ganti

41 parts Complete

Isang buhay na puno ng pagdurusa ang sinapit ng prinsesang si Raven matapos sakupin ng sakim na Reyna Jelouse ang kaniyang kahariang sinilangan-ang kaharian ng Maharlika. Sa pagpaslang sa kaniyang ina at pagkakabilanggo sa kaniyang ama, naiwang luhaan at walang kamalay-malay si Raven sa kalupitang bumalot sa kaniyang mundo. Sa ilalim ng pangangalaga ni Evi, itinago niya ang pagkatao ng prinsesa at dinala sa isang malayong bayan upang mapangalagaan. Ang prinsesang nagdurusa ay sinanay upang makipaglaban at maipaghiganti ang lahat ng nawala sa kaniya. Ngunit ang landas ng pagbangon ay hindi madali. Sa gitna ng kaniyang paghihiganti, iba't ibang laban ang kaniyang haharapin, ang mga lihim ng nakaraan, ang mga pagtataksil ng kasalukuyan, at ang hamon ng digmaang magpapasya sa kapalaran ng kanyang kaharian. Ngunit sa ngayon, matitikman muna nila ang hagupit ng ganti ng isang prinsesang pinagkaitan ng lahat. MIER-EN UGUME!