"Masarap ang Bawal"
Sabi nila, masarap daw talaga ang bawal. Pero paano kung 'yung mismong bawal ang kusang lumapit sa'yo? 'Yung tipong hindi mo hinanap, pero siya pa mismo ang nagbigay ng init, kilig, at pag-asang matagal mo nang kinikimkim?
Isang lihim na hindi pwedeng mabunyag.
Dalawang pusong matagal nang gusto ng katahimikan..
At isang relasyon na kahit mali sa mata ng iba... tama sa pakiramdam nila.
Sa pagitan ng tama at mali, may mga sulyap na ayaw magpaalam, mga haplos na hindi makalimutan, at damdaming masyadong totoo para itanggi. Kahit alam mong bawal, bakit ganun? Ang hirap pigilan, lalo na kung ito lang ang nagpaparamdam sa'yo na buhay ka pa. Pipigilan mo ba kung siya lang ang kayang magpagaling sa puso mong pagod na sa ingay ng mundo? O sasabay ka na lang sa agos ng tadhana... kahit alam mong pwede kang malunod sa dulo?