Si Aurora Della Casa, isang dalagang piniling mamuhay nang mag-isa sa liblib na kagubatan ng Alaska, ay matagal nang isinara ang sarili sa mundo. Sa katahimikan ng kalikasan, doon niya muling binuo ang sarili-malayo sa ingay, sa sakit, at sa alaala ng kahapon.
Araw-araw ay payapa, tahimik, at walang ibang kausap kun 'di ang hangin, alaga niyang mga asong lobo, at ang lumang piano ng kaniyang lolo.
Ngunit ang lahat ay nagbago nang isang araw ay bumagsak sa kaniyang lupain ang isang estranghero-si Blake Weston, isang military aircraft pilot na naligaw sa kalagitnaan ng kaniyang misyon. Sa unti-unting pagkikilala, si Blake ang naging daan na gumising sa puso ni Aurora-ang pusong matagal nang natutong tumahimik.
Sa bawat araw na lumilipas, pinilit ni Aurora harapin hindi lamang ang presensya ng isang bagong tao sa Kaniyang mundo, kun 'di pati ang mga damdaming matagal na niyang kinalimutan.
Dahil minsan, kahit gaano mo pa pagtakpan ang puso mo, darating at darating ang taong kayang makita ito sa likod ng iyong katahimikan.