I Hate You... Don't I?
Si Mikhael Dominic Villanueva ay sanay na sa simpleng buhay SHS-kasama ang kanyang mga kaibigan, at galit niya sa isang tao: si Antonio.
Si Antonio-ang star player na laging mayabang, laging pasikat, at laging nasa isip niya kahit ayaw niya.
Pero dumating si Liahm.
Tahimik. Maamo. At ang kabaliktaran ng lahat ng gulo sa buhay niya.
Ngayon, sa gitna ng galit, katahimikan, at mga tingin na hindi maipaliwanag...
dalawang tao ang unti-unting humihila sa puso niya.
Isa ang dahilan ng inis.
Isa ang dahilan ng kapayapaan.
Pero sa pagitan ng dalawang 'yon...
sino ang pipiliin niya kapag hindi na sapat ang pag-iwas?