Lahat ng bagay, pinaghihirapan.
Lumaki si Lala nang may paniniwala sa salitang 'yon. Bawat bagay, suot, at pagkain, pinagpapaguran niya bago niya makuha. But the world seems unfair to her.
Habang tumatanda siya, parang nawawalan siya ng faith sa salitang ginawa niyang motivation. Nakikita niya kung paano mabilis na nabibili ng mga batang mayayanan ang mga gusto nila-luho man o pangangailangan.
Gano'n siguro talaga kapag may magulang, ano? Mas madali, mas magaan, mas masarap sa pakiramdam.
Sa kabila ng pagiging orphan, paano makaka-survive si Lala kung walong taon lamang siya nang maging independent?
Kakayanin ba ng bata niyang katawan? Hanggang kailan?