Dayang: A Prophecy Rewritten

Dayang: A Prophecy Rewritten

  • WpView
    Reads 561
  • WpVote
    Votes 61
  • WpPart
    Parts 26
WpMetadataReadOngoing
WpMetadataNoticeLast published Thu, Aug 14, 2025
WpInfo
Fiction
Fantasy
Nagising siya sa ibang katawan... Sa isang mundong matagal nang naitala ang kaniyang kapalaran. Hindi kailanman naniniwala si Diana sa tadhana- hanggang sa isang aksidente ang humila sa kaniya mula sa makabagong mundo patungo sa katauhan ni Dayang, isang binukot sa panahong pinaghaharian ng mga babaylan, diwata at sinaunang paniniwala. Isang propesiya ang nagtatali sa katauhan at buhay ni Dayang. Ngunit sa paggising ng kamalayang hindi kabilang sa panahong iyon, unti-unting mababasag ang mga nakasanayang tradisyon. Magawa kayang panindigan ni Diana ang katauhan ni Dayang? Susunod ba siya sa daang nakalaan para sa kaniya? Yayakapin ba niya ang tradisyon at magpapatali rito o maninindigan siya at babaguhin ang propesiyang nakatakda sa kaniya? **** Tanyag na pinuno at hari si Rajah Sinag, itinatag niya ang Hilagang Banwa na naging sentro ng kalakalan sa mga karatig nitong isla. Bukod sa pagiging Rajah, may isa pa siyang tungkulin, at iyon ay ang tuparin ang kaniyang tagna. Sa mungkahi ng kaniyang tagapayo, ay tinungo niya ang Bayan ng kalinao upang umakyat ng ligaw sa binukot na nangngangalang Dayang. Maging simula ba ito ng pagbabago sa buhay ni Dayang? Magawa kaya nilang hanapin ang pag-ibig sa isa't isa kung pareho silang may kailangang tuparin na tagna? Alin kaya ang mauuna? Ang pagtupad sa pansariling damdamin o pagtupad sa nakaatang nilang tungkulin?
All Rights Reserved
#17
rajah
WpChevronRight
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • Behind the Pages
  • Heiress to the Throne (Published under CELESTIA PRESS PUBLISHING HOUSE)
  • Celestial Academy: Unveiling Destiny
  • Olympus Academy (Published under PSICOM)
  • I Got Reincarnated into Another World
  • Supremacy (Part 1)
  • Perfect Duo
  • The Half-blood Warrior [COMPLETED]
  • Surira Academy: Game Of Ruins (COMPLETED)
  • When I Lived Again

Apat na babae. Apat na sugatang kaluluwa mula sa iba't ibang sulok ng modernong mundo. Walang nakakaalam kung paano, ngunit isang mahiwagang libro ang biglang nagbuklod sa kanila. Isang librong walang pamagat. Walang pahina. Walang kwento. Ngunit sa oras na binuksan nila ito, ang kanilang mga buhay ay unti-unting naisulat... at ang mundong akala nila'y kathang-isip lamang, ay totoo pala. Sa mundo ng Ravaryn at Kestramore, dalawang haring nagpatayan dahil sa poot ang nag-iwan ng pamana sa kanilang mga anak-mga prinsipe na may dalang kapangyarihan ng hangin, lupa, tubig, at apoy. Kasama sa kanilang kapalaran ang Prinsipe ng Firesse-isang kahariang nabura sa mapa ng mundo. Ulila at walang nasasakupan, ngunit pinili ng Bathala upang maging ikaapat na haligi ng kapalaran. Ngunit sa likod ng kanilang lakas, nakatali ang isang sumpa. Kapag ang kanilang galit ay umapaw, lilitaw ang wangis ng halimaw-isang nakakatakot na anyo na maaaring pumatay ng inosente. Isang sumpa na maaari ring maging biyaya: dahil sa oras na makita sila sa anyong ito, kapalaran na ng kanilang kalaban ang kamatayan. Ngayon, ang apat na babae ay naging bahagi ng kwento ng mga prinsipe. Ang akala nila'y sila ang sumusulat ng kanilang kapalaran sa loob ng libro-ngunit ang totoo, sila mismo ang isinulat. At sa dulo ng lahat... kailangan nilang pumili: Babalik ba sila sa sariling mundo? O haharapin nila ang katotohanang maaaring sila ang susi upang iligtas-o tuluyang wasakin-ang mundong ginising nila?

More details
WpActionLinkContent Guidelines