Marami talaga akong hindi naiintindihan. Bakit ba may Love? Bakit ba may Hate? Ano ba talaga ang Forever? Does True Love really exists? Bakit ba sa Love, dapat dalawang tao lang ang nagmamahalan? Pwede naman siguro isa, yung sarili mo. O di kaya, marami, gaya ng pamilya mo. Bakit importante ang Marriage? Maraming nagsasabi sa akin, na dapat kung ikakasal ka, doon ka sa taong mahal mo, kasi hindi ka niya iiwan, habambuhay kayo magmamahalan. Ang Marriage ay tungkol sa pag commit, to share your responsilbilities and to show how to fight every challenges TOGETHER. Eh, bakit may mga married couple hindi successful, if they already promised and commited to each other? Ang hirap. Dapat ba talaga may Love pag ikakasal ka sa isang tao? Kailangan pa ba natin si Kupido para mainlove sa atin ang ating crush? Bakit ba may nasasaktan sa Love? Bakit may mga two-timer sa mundo? Mahalaga pa ba ang friendship pagdating sa Love? Does first love lasts? Sa totoo, ano ba talaga ang Love para sayo?