6 parts Ongoing ASHBIN♡
ASHDRES♡
Fan-made story
Rabin Josh Angeles at Ashtine Olviga-mag-bestfriend ng labingtatlo taon, magkasangga sa lahat ng bagay, at mortal na magkaaway pagdating sa asaran. Si Rabin, ang soft-hearted at mabait na kaibigan na kahit lalaki, mas mukha pang princess kaysa kay Ashtine. Si Ashtine naman, ang boyish at brusko niyang bestfriend na mas mukhang siga kaysa sa kanya.
Kahit lagi silang nagbabangayan, buo ang pangako nila sa isa't isa-walang magbabago sa friendship nila, kahit ano pa ang mangyari. Pero paano kung biglang magbago ang lahat dahil sa isang tao?
Enter Andres Muhlach-isang gwapong artista na naging crush ni Ashtine. Sa hindi inaasahang pangyayari, nalaman ni Rabin ang sikreto ni Ash at hindi niya alam kung bakit parang may kung anong kirot sa dibdib niya.
Selos ba toh? O masyado lang siyang protective bilang bestfriend?
Sa kalagitnaan ng pang-aasar, selosan, at pagsubok ng kanilang pagkakaibigan, isang bagay ang hindi nila matatakasan-ang tanong kung may mas higit pa ba sa pagiging mag-bestfriend nila.
Kung kailan pa sila nagka-crush sa iba, saka pa nila mare-realize... Sino nga ba talaga ang hindi kayang mawala sa buhay nila?