Story cover for The Olden Days' Heartbeat  by shaevanee
The Olden Days' Heartbeat
  • WpView
    Reads 57
  • WpVote
    Votes 7
  • WpPart
    Parts 4
  • WpHistory
    Time 40m
  • WpView
    Reads 57
  • WpVote
    Votes 7
  • WpPart
    Parts 4
  • WpHistory
    Time 40m
Ongoing, First published Jun 18
Do you believe in reincarnation? Or past lives? Posible bang mabuhay ulit ang isang tao sa bagong katauhan?

Minsan, may mga tao talagang hindi naniniwala. Higit sa lahat, ay mga taong mahirap kumbinsihing paniwalaan ka, ngunit isang bagay ang babago sa aking buhay, isang bagay na maaaring magdala sa akin sa kaligayahan, sa kapahamakan, o sa kasawian muli. Babaeng nahihilig sa mga bagay patungkol sa nakaraan, ngunit hindi  pinangarap na masaktan muli nang dahil lamang sa nakaraang nakakubli.

Walang katiyakan ang mundo, puno ng misteryo na tanging ikagugulo ng isip mo. Ito ang mundong napupuno ng kwento, kwentong hindi matiyak kung may katotohanang binubuo. Lahat tayo ay may nakaraang nais balikan, ngunit paano kung ang nakaraan ko ay may lihim na dilim at sakit? Makakaya ko bang tahakin at harapin ulit?

May pagmamahalang nagiging buo, meron ding hindi napagbibigyan hanggang dulo. 
Kahit ilang dekada man ang dumaan, pagmamahalan kaya'y mabibigyang daan?

Paano ang nasimulan kung ang katapusan ay hindi tiyak at baka pareho lang din sa nakaraan? Mapagbibigyan ba ngayon ang pagmamahalang noo'y hindi naumpisan? O may aasang muli na ako'y makamtan?

Puro katanungan.

Kailan mabibigyang sagot lahat? Dito ba sa kwentong ayoko sanang balikan?

Palalayain ba tayo ng pagmamahal- pagmamahal na pilit ipinaglalaban? Titibok pa ba muli ang puso- ang pusong minsan nang nasaktan? Ang pag-ibig ba'y nakalaan parin sa akin? O nakatandhanang magwakas sa parehong paraan?

Muli, ating susubukan.
All Rights Reserved
Sign up to add The Olden Days' Heartbeat to your library and receive updates
or
#1000reincarnation
Content Guidelines
You may also like
BLOODY AFFECTION (COMPLETED) by missdexterity
37 parts Complete
[R-18 ay kung saan saan, kayo ay mag iingat lamang] Maxine Kataleya De Vera o kilala bilang Maya ay isang ordinaryong dalaga na merong miserableng pamilya. Hindi sya nakapagtapos ng pag aaral sapagkat mas inuna nya ang kahirapan ng kanyang pamilya. Kinuha sya ng kanyang Tita Amalia upang tumira sa kanya at magkaroon ng maganda at masaganang buhay. Nang tumira sya doon ay nakilala nya ang lalaki na may kakaibang lakas ng loob para kunin ang kanyang puso. Cassius Azreall Velasco, isang bampira na isang dalaga lamang ang nais. Pangil, pulang mata, maputing balat, isa sa mga katangian ng lalaking nagnanais kay Maya. Makukuha nya nga ba ang magandang dalaga? O papaasahin sya nito hanggang sila ay tumanda? Hindi natin sigurado kung anong mangyayari, kung sabay nga ba silang tatanda. Iniimbitahan kayo nina Maya at Cassius na basahin at subabayan ang kanilang istorya na puno ng kalaswaan, lambingan, away, pagmamahalan at tampuhan. ~~~ Hindi ko po iniba ang plot ng story, ang description lang po kasi ang pangit naman sigurong tingnan kapag english yung description tapos tagalog yung story ano? HAHAHAHA. Nakapagdesisyon na kasi akong e full tagalog na talaga at tyaka sorry pa iba iba talaga utak ko hindi kasi ako sure sa buhay ko HAHAHA. Maraming eksena ang hindi maaaring basahin ng isang bata sa istoryang Ito. Maraming kalaswaan na hindi dapat pinapakita sa bata. Kung maaari ay huwag na lamang ituloy kung hindi mo nais na maging berde ang iyong utak. Salamat sa iyong pagbabasa binibini/ginoo ako ay nasiyahan sapagkat narito ka sa aking ginawang istorya. Naway patuloy mong suportahan ang isang tagasulat na ito.
UNDER THE CITY LIGHTS(Bohol High Series #1) by Vilethornea
43 parts Complete
BNHS #1 Minsan, nahuhulog tayo sa dalawang puso. Ngunit bakit tila hindi pa rin matibag ang alaala ng unang pag-ibig? Siya ang unang nagpatibok ng puso, unang nagbigay ng ngiti at luha, unang nagturo kung paano magmahal at masaktan. Sa kanya natin naranasan ang mga "una"-ang ligaya, kilig, at sakit. Sa kanya natin unang naramdaman na tayo'y may halaga. Ngunit hindi lahat ng nagpapangiti ay nagmamahal. Hindi lahat ng titig ay totoo. Minsan, ang taong akala mong para sa'yo ay may hilig lamang sa paglalaro ng damdamin. Kaya kang pasayahin, pasiglahin, paniwalain na mahalaga ka-ngunit hindi pala ikaw ang pinili. Isang pagkukunwari. Hanggang pareho kayong nasaktan, parehong naging biktima ng isang lalaking hindi marunong makuntento. At dumating ang ikalawang pag-ibig. Marahan, tila lunas sa sugat ng nakaraan. Minahal mo siya-pero bakit may kulang pa rin? Sa bawat sulyap, hinahanap mo pa rin ang titig ng una. Sa bawat haplos, inaasam mo pa rin ang init ng dating damdamin. Hanggang mawala ang tiwala at respeto. At ang relasyon, sa halip na maging tahanan, ay naging tanikala. At sa oras na akala mong tapos na-siya ay muling babalik. Sa gitna ng katahimikan, muli siyang susulpot. Sa oras na natutunan mo nang mahalin ang bago, siya ay magpaparamdam. At ang puso mong pilit nang tumigil sa pagtibok para sa kanya-bigla na namang mabubuhay. Isang sulyap, isang salita, sapat na para balikan ang lahat. Sa ikatlong pagkakataon, ginulo ka na naman ng tadhana. Ayos ka na, handa ka nang mamuhay nang mag-isa, buo sa desisyong piliin ang sarili. Ngunit naroon siya, muling kumakatok. Nagpaparamdam. Umaasa. Kaya mo ba siyang tanggihan? Kaya mo bang talikuran ang pusong hindi mo kailanman lubusang nalimutan? Hanggang kailan mo kakayanin ang siklong paulit-ulit? At kung ang puso mo'y patuloy na tumitibok para sa kanya, may saysay pa bang ipilit ang paglimot?
You may also like
Slide 1 of 10
My Brother's Hurtful Words (Completed) cover
Chasing what you lost, Love take 2 (WHEN WE WERE JUNIORS SERIES #2) cover
The Mysterious Secret of St. Madrigal University cover
Reincarnated As Unknown Side Character In Novel cover
My Destiny cover
BLOODY AFFECTION (COMPLETED) cover
I was reincarnated as a Kontrabida in another world cover
UNDER THE CITY LIGHTS(Bohol High Series #1) cover
Reign of the Reincarnated Princess  cover
Hard Pass on Romance : Second Time Round cover

My Brother's Hurtful Words (Completed)

26 parts Complete Mature

Isang batang babae, ang nakaupo sa tabi ng bintana, ang kanyang ilong ay nakasandal sa malamig na salamin. "Masaya siguro kami kung hindi sila nawala sa amin,bakit napakadaya ng mundo?" Sa labas, ang mundo ay isang makulay at matunog, ngunit sa loob, nakakaramdam siya ng isang kawalan na tumutunog sa kanyang dibdib at unti unti napupuno ng kalungkutan at pananabik na makasama ang kanyang nakakatandang kapatid na ngayon ay mas malamig sa yelo kung tratuhin siya. Araw-araw, pinapanood niya ang ibang mga bata na naglalaro, ang kanilang tawanan ay tumatalbog sa mga pader, isang paalala ng kagalakan na hindi niya naranasan sa loob ng maraming taon. Ang kanyang kapatid na lalaki, ang kanyang tagapagtanggol, ang kanyang mapagmahal, ay wala na. Mahigpit niyang hinahawakan ang isang kupas na litrato, ang mga gilid ay makinis mula sa hindi mabilang na paghawak, at bumubulong ng isang tahimik na panalangin, umaasa na sa isang lugar, sa paanuman, maririnig niya ang kanyang pagnanais. "Hinihiling ko na sana ay bumalik na kami sa kung ano ang trato namin noon.Namimiss ko na siya,namimiss ko na ang mga oras na nasa tabi ko siya at pinapatahan,inaalagaan,minamahal ako ng kuya ko." Unti unti nagsilaglagan ang mga luha na kanina pa niya pinipigilan. "K-kuya....k-kuya f-flavin ko!" ~~~~~~~~~~~~~~ Start: September 03,2022 End: August 20,2023 Edit Date:Sept 16,2023 Finish: June 23,2025