Hello Guys! :) Ang story na ito ay tungkol sa dalawang tao na nagmamahalan sa kabila ng magkaibang status nila sa buhay. Di naging sang ayon ang mga magulang ni Sabrina sa kanilang relasyon sapagkat bata pa raw sila at dahil narin sa status ni Francis na isang hamak na service crew lamang. Kaya naman napilitan silang magtanan, ngunit di rin iyon natuloy sapagkat di nakasipot si Francis. Makalipas ang sampung taon, nagkabaliktad ang kanilang mundo. May pag asa pa bang magkatuluyan sila ng kanyang one and only ex boyfriend kung isang hamak na kusinera na lamang siya sa Hotel na pinamamahalaan nito? Sana magustuhan niyo, this time tatry kong tapusin. Hahaha.Pinangungunahan ko na po kayo, kung kayo ay isang perfectionist wag niyo na pong basahin. Hihihi.