Lahat tayo ay may kaniya-kaniyang paraan sa kung paano natin mahahanap o matatamasa ang tunay na pahinga. It could be by the happiness that our loved ones bring to us or by the peace that ourselves could offer. Lahat tayo ay may mga pinagdadaanan: sa pamilya, sa kasintahan, sa kaibigan, maging sa paligid na lagi nating nadadaanan.
Bakit nga ba? Bakit tayo ay may kaniya-kaniyang pagsubok sa buhay? Trip lang ni Lord? Para may thrill ang life natin? What could possibly be the main reason why are we experiencing difficulties in life? Bakit may sakit pang kailangan maramdaman kung maaari namang mamuhay na lamang nang payapa sa katahimikan?
FSIS is now here to join your journey whether the whole ride is heartbreaking or making us jump in enthusiasm. Tara na sa byaheng pangmahabaan ngunit ika'y matutuwa sa bawat terminal o pamilihan na mahihintuan. Hindi bale nang ma-stuck tayo sa traffic. Ang mahalaga, sumabay ka. Nakasama ka sa byaheng hindi tumatanggap ng pera pambayad-presensiya mo lamang ay sapat na.