"Welcome to Kasal-kasalan 2024! Sa halagang 250 pesos, magkakaroon ka ng asawa! Hindi man totoo, at least naranasan mo! Kaya saan ka pa? Dito na at sama-sama tayong maging assumera!"
Ika nga nila, "mapaglaro ang tadhana." Ang daming pangyayari sa mundo na hindi natin inaasahan pero sa dulo natin maiintindihan na... oo nga, 'no? Nangyari iyon kasi kinakailangan.
Natalo si Maria Venice Mondigo sa isang laro kaya napilitan siyang subukan ang marriage booth ng kanilang university. Buong akala ni Iya na ang lalaking ikakasal-kasal sa kaniya ay ang crush niyang si Clark Reyes ngunit nagkamali siya.
Dahil ang dumating ay si Clark Reynes.
Grabe ka naman, universe! Minsan ka na lang magpadala ng lalaki, na-typo ka pa! Kahit isang pagkakamali ang naging umpisa, unti-unting magkakagustuhan ang isa't isa. Nagsimula sa laro, nagkalokohan, pero sa dulo... magkakatotoo rin naman ang kasal-kasalan.
[Previously posted on my different account. Decided to unpublish there and put it here. Thanks!]
All Rights Reserved