Minsan, may mga taong dumarating sa buhay natin na parang bahay - tahimik, ligtas, at palaging handang saluhin ang kahit anong bigat.
Si Maya Elise Villanueva, tahimik pero malalim. Palaging nagsusulat sa mga pahina na hindi niya kayang sabihin nang harapan.
At si Adrian Reyes, tahimik rin - pero hindi dahil wala siyang gustong sabihin, kundi dahil natuto na siyang manahimik kapag masyado nang masakit magsalita.
Their love started simply - coffee on cold mornings, shared books, and conversations at midnight.
Hindi sila perpekto. Marami silang hindi nasabi. Pero sa pagitan ng mga katahimikan, may lambing. May pag-ibig. May pangakong kahit walang salita, naiintindihan.