Nakasanayan na ni Emilio ang kaguluhan, at ang pag-ibig na puno ng peligro at walang kasiguraduhan. Para sa kanya, ang kanyang "matalik na kaibigan" na si Cain ay isang maapoy na bagyo na nagbigay ng kulay sa kanyang buhay-isang mapanganib na pulang kulay na kasing-init ng lumalagablab na apoy.
Ngunit isang gabi, mahuhulog siya sa isang lalaking hindi niya inaasahan. Ang lalaking iniiwasan niya at hindi pinapansin, si Michael, ang magbibigay ng panibagong kulay sa kanyang mundo-isang berdeng kulay na sumisimbolo sa paghilom, pag-asa, at kapayapaan na hindi nakakalito at nakakapaso.
Ngayon, maiipit si Emilio sa isang "tug-of-war." Pipiliin ba niya ang pamilyar na 'pulang' gulo na dala ni Cain, o tuluyan na niyang gigibain ang kanyang 'code' para sa 'berdeng' pag-ibig na iniaalok ni Michael?
Emilio Daez, Michael Sager, and River Joseph.
Alam ni Keifer na malaki ang posibilidad niyang matalo sa laro ng pag-ibig oras na pasukin niya ang buhay ni Damian, isang sekyu sa katabi nilang subdibisiyon. Sadiyang makulit siya at hinayaan niya pa rin ang pusong mahulog ng husto sa mga ipinapakita ng sekyu na 'to kahit na alam niyang hindi naman na pwede. Bukod kasi napakalaking agawat ng edad nilang dalawa ay meron ding sikreto ang sekyu na ito, sikreto na matutuklasan ni Keifer na ikababasag ng puso niya. Hanggang saan aabot ang pagmamahal ni Keifer kay Damian lalo na kung magsasama sila sa iisang bubong at matutuklasan niya ang mga kwentong nakakubli sa matatamis na ngiti ng maskuladong sekyu na ito?
Date Started: Sept 05 2023
Date Finished: July 28 2024
Story Ranking:
#125 in Teen fiction as of May 01 2024
#100 in Teen Fiction as of July 16 2024