Black Rose Academy
Sa isang mundong pinamumunuan ng mga makapangyarihan at matatalino, ang Black Rose Academy ang tanging paaralan na hinahangad ng lahat ngunit kinatatakutan din ng marami. Kilala ito bilang paaralan ng mga elite-isang lugar na nangangalaga sa perpektong reputasyon, nagtataas ng mga pambihirang estudyante, at nagbibigay ng 100% employment rate sa mga magtatapos.
Ngunit sa likod ng karangalan at tagumpay, may itinatagong madilim na kasaysayan. Sa loob ng maraming taon, ilang estudyante na ang natagpuang patay sa kanilang sariling mga silid-aralan-walang paliwanag, walang hustisya, at tila tinanggap na lamang bilang bahagi ng sistema. Sa Black Rose Academy, ang kabaitan ay kahinaan, at ang kahinaan ay kamatayan.
Dito papasok si Yumi Satsuki, isang dalagang may malamig na personalidad na tila walang pakialam sa mundo. Kasama ng kanyang masayahing kaibigan na si Yesha, maglalakbay sila patungo sa pangarap nilang makapasok sa pinakaprestihiyosong paaralan. Ngunit hindi pa nila alam ang tunay na larong naghihintay sa kanila.
Sa lugar kung saan ang tiwala ay isang bitag, at ang bawat ngiti ay maaaring pagsimulan ng pagkawasak, matutuklasan ni Yumi na kahit gaano kalamig ang kanyang puso, may bahagi pa rin siyang nananabik sa init ng pagkakaibigan.
Ngunit sa eskuwelahang ito, sino ang iyong mapagkakatiwalaan?
At hanggang kailan ka makakaligtas?
Isang kwento ng ambisyon, pagkakaibigan, at madilim na lihim na nakatago sa likod ng perpektong uniporme ng Black Rose Academy
All Rights Reserved