Nagkakilala kami online - simpleng chat lang nung una.Hindi ko inakalang magiging close kami. Araw-araw kaming magkausap, kahit hindi pa nagkikita.
Sa bawat tawanan at kwento, unti-unti akong nahulog. Pero hindi ko sinabi, kasi ayokong mawala siya. Hanggang sa isang araw, pareho pala kaming papasok sa iisang university sa Maynila. Nagkita rin kami, sa wakas.
Pero parang hindi niya alam. Ako lang pala ang may inaasam. Ako lang pala ang naipit sa pagitan ng pagkakaibigan at pag-ibig.