Story cover for More than Enough by chemaelene
More than Enough
  • WpView
    LECTURAS 4
  • WpVote
    Votos 0
  • WpPart
    Partes 10
  • WpHistory
    Hora 39m
  • WpView
    LECTURAS 4
  • WpVote
    Votos 0
  • WpPart
    Partes 10
  • WpHistory
    Hora 39m
Continúa, Has publicado jun 29, 2025
"Isang taon, isang kwento. Buhay na hinubog ng sakit, sigaw, at tagumpay."

Hindi siya ipinanganak na mayaman, pero hindi rin sila naghihirap. Sapat lang para mabuhay nang maayos - tatlong kain sa isang araw, puno ng pagmamahal at tiyaga mula sa kanyang mga magulang. Bata pa lang siya, natutunan na niyang hindi lahat ng tao marunong rumespeto. Tinawag siyang "unggoy" dahil sa balahibo sa kanyang balat. Masakit, oo - pero hindi siya nagpatalo.

Sa halip, pinili niyang lumaban. Sa murang edad, sumali siya sa Girl Scouts, sa SSG, at sa iba't ibang school activities - kahit kinakabahan, kahit minsan gustong sumuko. Doon niya unti-unting nahanap ang lakas ng loob, ang halaga ng boses niya, at ang halaga ng sarili niya.

Ito ay kwento ng isang simpleng batang babae - hindi perpekto, hindi palaging bida - pero palaging lumalaban.

Sa 24 na kabanata, bawat isa ay isang taon ng kanyang buhay, samahan siyang balikan ang mga alaala, aral, at ang pagbuo sa kung sino siya ngayon.

Dahil minsan, ang pinakamalalakas na kwento ay nanggagaling sa mga tahimik na simula.
Todos los derechos reservados
Regístrate para añadir More than Enough a tu biblioteca y recibir actualizaciones
O
#5buhayestudyante
Pautas de Contenido
Quizás también te guste
Luxcia Locrane [Journey to the Seven Kingdoms] de Aristeia_Lapiz07
18 partes Continúa
Sa isang iglap, nagbago ang tahimik na mundo ni Luxcia, isang mortal na babae mula sa karaniwang daigdig nang siya'y biglang mapadpad sa mahiwagang mundo ng Irotia, isang lupain na tanging sa mga alamat at panaginip lang umiiral. Sa mundong ito, namamayani ang mga nilalang na matagal nang nawala sa gunita ng tao. Bampira, aswang, lobo, diwata, mangkukulam, duwende, at mga elfeng mandirigma at marami pang iba. Sinasabing si Luxcia ang pinili ng kapalaran, ang tagapagligtas na tanging makapagliligtas sa Irotia at sa kanyang sariling mundo mula sa isang paparating na kadiliman. Upang maisakatuparan ang kanyang tadhana, kailangan niyang maglakbay sa pitong makapangyarihang kaharian: Vandoblade (kaharian ng gabi), Worolof (lupain ng mandirigma), Nanturia (gubat ng kalikasan), Magicolonia (kaharian ng mahika), Atlantaria (Kaharian sa ilalim ng dagat), Aerolia (Kaharian sa kalangitan), at Ferolia (Kaharian ng Apoy). Sa bawat kaharian ay nakatago ang isang Circle of Power, sinaunang kapangyarihang nagsisilbing susi upang mabuo ang isang puwersang kayang itaboy ang kadiliman. Kasama ang mga bagong kakampi at kaibigang may kanya-kanyang lihim, haharapin ni Luxcia ang mga pagsubok, pagtataksil, at ang mga misteryong bumabalot sa kanyang pinagmulan. Ngunit sa isang mundong puno ng hiwaga, sino ang tunay na kakampi? At handa ba siyang harapin ang katotohanan sa likod ng kanyang pagkatao? Tunghayan ang paglalakbay ni Luxcia sa mundo ng mahika, kapangyarihan, at tadhana.
THE STORY OF THE SECOND FLOOR OF THE UNIVERSITY  de Aicamanunulat
36 partes Continúa
"THE STORY OF THE SECOND FLOOR OF THE UNIVERSITY" Sa isang kilalang unibersidad na matagal nang naitatag, may isang lugar na bihirang napapansin-ang ikalawang palapag ng pinakamatandang gusali sa campus. Sa araw, isa lamang itong tahimik at lumaing bahagi ng paaralan, pero sa gabi... ibang kwento na ang umiiral. Matagal nang usap-usapan ng mga estudyante at guro ang mga kababalaghang nangyayari roon. May mga nawawalang tunog ng yapak kahit walang taong naroon, mga bintanang biglang bumubukas kahit walang hangin, at mga ilaw na nagkikislapan kahit patay na ang kuryente. Ngunit ang mas nakakakilabot-may mga estudyanteng umakyat doon at hindi na muling nakita. Ang iba nama'y bumaba na may basang-uniform kahit walang ulan, namumutla, at tulala-parang may nakita silang hindi kayang ipaliwanag. Pinagbabawal na ang pag-akyat sa ikalawang palapag, ngunit sa bawat henerasyon, may mga matitigas ang ulo-o sadyang curious-na sumusubok tuklasin ang misteryo. Ang hindi nila alam, ang lugar na iyon ay hindi basta lumang silid... ito ay isang bitag. Isang lugar kung saan naiipon ang matinding emosyon ng mga kaluluwang hindi matahimik-mga nawalan ng buhay, ng pag-asa, at ng pangarap sa mismong pader ng unibersidad na ito. At ngayong muli, isang bagong grupo ng estudyante ang napapadpad malapit sa katotohanan. Sa paglalakad nila papunta sa ikalawang palapag, mararamdaman nila ang malamig na hangin, ang biglang pagbagsak ng katahimikan, at ang mga matang hindi nila nakikita-pero ramdam na ramdam. Ito ang kwento ng mga lihim na hindi kayang tuldukan, ng katotohanang gustong itago, at ng isang lugar na dapat sana'y iniwan na sa lumipas na panahon. Ito ang The Story of the Second Floor of the University.
My Highschool Husband  de alicaaaaa
8 partes Continúa
Sa gitna ng pait ng nakaraan, kung saan ang alaala ng isang yumaong minamahal ay patuloy na nagluluksa, isang bagong pag-asa ang sumibol. Si Ashuri, isang amang naghahanap ng paghilom sa kanyang pusong sugatan, ay natagpuan ang kanyang sarili sa isang hindi inaasahang paglalakbay nang matuklasan niya ang isang babaeng kamukha ng kanyang yumaong asawa. Sa pagitan ng pag-asa at pangamba, sinundan niya ang landas na ito, kasama ang kanyang mga kaibigan na sina Alysa, Ian, Chul, Ji-hun, at Diether. Ngunit sa bawat hakbang, mas lalo silang nalilito sa katotohanan. Ang babaeng nagngangalang Yumeko Jabami, isang sikat na baker na may amnesia, ay nagdala ng mga bagong tanong at pagsubok sa kanilang buhay. Sa kabila ng mga pagsubok, nanatili silang matatag. Nagtulungan, nagmahalan, at nagsuportahan. Si Ashuri, sa kanyang papel bilang isang ama kay Alonzo, ay natutong muling magbigay ng pagmamahal. Si Alysa at Ian, sa kanilang pag-ibig sa isa't isa, ay natagpuan ang bagong kahulugan ng pamilya. Si Chul, sa kanyang musika, ay nagbahagi ng kanyang puso sa mundo. Si Ji-hun, sa kanyang negosyo, ay nagsumikap para sa kanyang mga pangarap. At si Diether, sa kanyang simpleng buhay, ay natutong maging kuntento. Ngunit ang kanilang paglalakbay ay hindi pa natatapos. Sa pagdating ng bagong pag-asa, ang pagbubuntis ni Alysa, mayroon pa ring mga tanong na naghihintay ng kasagutan. Sino ba talaga si Yumeko Jabami? Ano ang kanyang koneksyon kay Alicia? At paano nila haharapin ang mga pagsubok na darating? Sa isang mundo kung saan ang nakaraan at kasalukuyan ay nagtatagpo, ang pag-ibig at pagkawala ay naglalaban, at ang pag-asa ay patuloy na sumisibol, ang kanilang kwento ay isang paalala na sa kabila ng lahat, ang tunay na kahulugan ng pamilya ay ang pagmamahalan, pagtutulungan, at walang sawang suporta sa isa't isa.
UNDER THE CITY LIGHTS(Bohol High Series #1) de Vilethornea
43 partes Concluida
BNHS #1 Minsan, nahuhulog tayo sa dalawang puso. Ngunit bakit tila hindi pa rin matibag ang alaala ng unang pag-ibig? Siya ang unang nagpatibok ng puso, unang nagbigay ng ngiti at luha, unang nagturo kung paano magmahal at masaktan. Sa kanya natin naranasan ang mga "una"-ang ligaya, kilig, at sakit. Sa kanya natin unang naramdaman na tayo'y may halaga. Ngunit hindi lahat ng nagpapangiti ay nagmamahal. Hindi lahat ng titig ay totoo. Minsan, ang taong akala mong para sa'yo ay may hilig lamang sa paglalaro ng damdamin. Kaya kang pasayahin, pasiglahin, paniwalain na mahalaga ka-ngunit hindi pala ikaw ang pinili. Isang pagkukunwari. Hanggang pareho kayong nasaktan, parehong naging biktima ng isang lalaking hindi marunong makuntento. At dumating ang ikalawang pag-ibig. Marahan, tila lunas sa sugat ng nakaraan. Minahal mo siya-pero bakit may kulang pa rin? Sa bawat sulyap, hinahanap mo pa rin ang titig ng una. Sa bawat haplos, inaasam mo pa rin ang init ng dating damdamin. Hanggang mawala ang tiwala at respeto. At ang relasyon, sa halip na maging tahanan, ay naging tanikala. At sa oras na akala mong tapos na-siya ay muling babalik. Sa gitna ng katahimikan, muli siyang susulpot. Sa oras na natutunan mo nang mahalin ang bago, siya ay magpaparamdam. At ang puso mong pilit nang tumigil sa pagtibok para sa kanya-bigla na namang mabubuhay. Isang sulyap, isang salita, sapat na para balikan ang lahat. Sa ikatlong pagkakataon, ginulo ka na naman ng tadhana. Ayos ka na, handa ka nang mamuhay nang mag-isa, buo sa desisyong piliin ang sarili. Ngunit naroon siya, muling kumakatok. Nagpaparamdam. Umaasa. Kaya mo ba siyang tanggihan? Kaya mo bang talikuran ang pusong hindi mo kailanman lubusang nalimutan? Hanggang kailan mo kakayanin ang siklong paulit-ulit? At kung ang puso mo'y patuloy na tumitibok para sa kanya, may saysay pa bang ipilit ang paglimot?
Does Love Always Hurt? de Heavenlyza
19 partes Continúa Contenido adulto
Kezaia Ysavielle Clementine. Kapag narinig mo ang pangalang ito kailangan mo nang tumakbo. Well, kilala lang naman siya dahil sa pagiging balagbag niyang babae. Sobrang ingay, maraming ginawang katarantaduhan, at higit sa lahat, maraming kaaway. Halos lahat ng nakikilala niya ay nagtatanong kung bakit siya umaakto ng ganito. Lahat naman tayong mga tao ay may pagkakaiba. Mayroon siyang natural beauty with her deep dimples na sa tuwing ngumigiti siya ay nag papakita. Wala sa bokabularyo niya ang kabaliktaran ng personalidad niya. And everything was fine for her. But no one knows about what she's suffering. Adam Mazikeen Salvatore. Her weakness. He's charming and soft boy, pogi, at higit sa lahat, matalino. Lahat ng hinahanap mo sa lalaki ay makikita sa kanya. He's calm at iyon ang nagustuhan ni Kezaia sa kaniya. Ang lalaking pakiramdam niya ay mahahandle siya nang mabuti. Bago lang sa kanya ang lahat ng nararamdaman niya kaya hindi niya matukoy kung ano ba talaga, mahal niya ba or gusto niya lang itong makasama dahil pakiramdam niya ay ligtas siya sa piling nito. Pero puwede kaya iyon? Mag kaiba sila ng personality, hindi kaya sila mahihirapan sa isa't isa? Kaya mo bang baguhin ang sarili mo para sa isang lalaking sa tingin mo ay mamahalin at aalagaan ka? At iyan ang bagay na mahirap gawin para kay Kezaia. A lot of questions are bugging her; paano kung makahanap siya ng babaeng kasing personality niya? Iyong tipong tahimik at matalino rin, at masasabayan siya sa mga gusto niya. Hindi katulad ni Kezaia, Kabaliktaran niya. And when she's almost at the peak, when she felt that she's almost there, changing herself, napagtanto niyang unti unti na palang nabibigyan ng kasagutan ang kaniyang mga katanungan. Ito ba ang pag-ibig na sinasabi nila? The real question now is.. does love always hurt? Maraming rebelasyon at pagkabunyag ang nag hihintay sa 'yo, Reader!
Quizás también te guste
Slide 1 of 10
KAILANGAN (DESTINY SERIES #6) cover
Luxcia Locrane [Journey to the Seven Kingdoms] cover
Cupid Lies cover
The Echoes of Regrets (When We Were Juniors Series #1) cover
Ijapadta  cover
THE STORY OF THE SECOND FLOOR OF THE UNIVERSITY  cover
My Highschool Husband  cover
Chasing what you lost, Love take 2 (WHEN WE WERE JUNIORS SERIES #2) cover
UNDER THE CITY LIGHTS(Bohol High Series #1) cover
Does Love Always Hurt? cover

KAILANGAN (DESTINY SERIES #6)

63 partes Concluida

NOT EDITED‼️ Mary Aerish Nicolette Carreon. Bata pa lamang s'ya ay ramdam n'ya na hindi siya mahal ng kanyang Nanay, ganoon na rin ang kanyang ate at kuya. Ang tanging nag mamahal lang sakanya ang kanyang Papa, naguguluhan si Aerish sa sitwasyon n'ya. Dahil bata pa lamang siya ay hindi pa niya muna naiintindihan ang mga nangyayari sa loob ng kanilang tahanan. Ipinaampon s'ya ng kanyang Nanay sa isang babae, lubhang nasaktan si Aerish sa ginawa ng kanyang Nanay. Tuta ba s'ya para ipaampon lang? Ang dami n'yang tanong sa kanyang isipan, na kailangan ng sagot. Mikael Kobe De Vera. Isang batang lalaki, na makikipag kaibigan kay Aerish. Lumaki sa isang marangyang pamilya. Malapit si Miko sa mga nag ampon kay Aerish, kaya naging malapit s'ya sa dalaga. Miko loves Aerish deeply. Kaya palagi n'yang gustong kasama si Aerish. Naging mag kaibigan sila, habang si Miko ay higit pa sa kaibigan ang tingin kay Aerish. Kailangang umalis ni Aerish at ang pamilya n'ya ng bansa, hindi alam ni Aerish kung ano ba ang dahilan. Bago lumisan si Aerish ay nag kita sila at nag kausap. May binitawan silang pangako sa isa't isa. Ngunit ang pangako ba na iyon ay matutupad? Paano kung ang isa sakanila ay putulin ang pangakong 'yon? Kailangan ba nilang tuparin ang pangakong iyon para mapatatag ang kanilang pag-iibigan?