We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.
Friendzone 2 Lover na ba?!?

Friendzone 2 Lover na ba?!?

  • WpView
    Reads 19
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 1
WpMetadataReadMatureComplete Thu, Jul 2, 20266m
WpInfo
Fiction
Romance
Romantic Comedy
Paano kung ang dalawang taong mula nakaraan mo ay muling magbabalik ang taong nanakit sayo, patatawarin mo ba? ang taong nangako sayo, tatanggapin mo pa ba? Na may pag-babagong naganap mula sa pag-lipas ng panahon na tila ang taong nanakit sayo ay nag-bago na? at ang taong nangako sayo ay tila ba kinalimutan ang pangako sayo? Muli mo pa ba silang pagbubuksan ng pintuan sa oras na sila ulit ay kumatok sa pintuan ng buhay mo?
All Rights Reserved
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • The Love We Can't Have
  • If ever changed
  • Unexpectedly Falling
  • Walang Tulugan, With Feelings
  • Casandrea [BOOK 2]
  • FRIENDSHIP Into LOVERS
  • Mapapansin Kaya? [COMPLETED]

"Jaze." Natigilan ako nang hindi ko inaasahang sundan ako ni Agatha. Hinihingal siya nang lingunin ko pero ang kamay niyang nakakapit sa dulo ng manggas ng uniform ko. Agad niyang tinanggal nang mapansin niya ang tingin ko ron. Huminga ako nang malalim upang pakalmahin ang sarili. Nararamdaman ko na ang basa sa mata ko nang ma-feel ko na naman ang gaan at ligtas sa presensya niya. Gusto kong ipakita na nasasaktan ako dahil sa bigat na dala dala ko. Pero nakakahiya pa rin. Nahihiya akong malaman niya na nanghihina na ako. Binigyan ko siya ng inis na tingin kahit na hindi iyon ang totoong gusto kong ipahatid. "Anong kailangan mo? Hindi pa ba sapat 'yung mga pamamahiyang ginawa niyo sa 'kin kanina? Ano pang balak mo? Na pati attention ng mga estudyante rito-makuha mo rin?" inis ko, pero lahat ng iyon ay imbento ko lang. Ayoko lang makita niyang nanlalambot ako kapag nakikita ko siya. "Lahat na lang inaagaw mo, pati ba naman 'yung pwesto ko sa buhay ng mga kaibigan ko kukunin mo. Mula nung makilala kita lahat ng swerte sa buhay ko nawala. Ikaw ang malas sa buhay ko, Agatha. Nagsisisi ako na dinala pa kita sa mundo ko." Tumalikod ako matapos kong sabihin ang bagay na napilitan akong gawin. Aalis na sana ako nang magsalita siya. "Ganon pala ang iniisip mo sa 'kin pero bakit kailangan mo pa akong paghintayin sa wala?" panimula niya. Batid kong ibig niyang sabihin, 'yung sinabi kong sasabihin ko ang problema ko kapag handa na ako. Napapikit ako at napatungo. Gusto kong humingi ng tawad pero hindi ko siya magawang harapin. "Naghintay ako dahil ang alam ko may aasahan ako, pero sana dapat naman noon mo pa sinabi 'yan. Para ako na ang umiwas, pwede rin akong lumayo." Huli para bawiin ang sinabi ko. Pinanood ko siyang maglakad palayo sa kung saan habang hindi matawaran konsensiyang bumalot sa akin. Sinadya ko 'yon kaya dapat kong pagsisihan. Ginawa ko 'yon dahil sanay ako. Sorry.

More details
WpActionLinkContent Guidelines