Sa isang abalang kanto ng siyudad, paulit-ulit na nagkakasalubong sina Aldrin Keiffer Mendoza - isang maprinsipyong estudyante na ayaw sumandal sa yaman ng kanyang pamilya - at Keiso Aifer Mendez - isang tahimik at magalang na anak ng mga kilalang politiko. Isang banggaan. Isang galit. Isang hindi narinig na sorry. Hindi alam ni Aldrin na ang binabangga niya araw-araw ay isang binatang bingi, isang taong hindi kayang marinig ang galit niyang sigaw. Sa pagitan ng mga hindi nasabing salita, natutunan nilang marinig ang tibok ng isa't isa - kahit sa katahimikan.
Plus d’Infos