6 parts Ongoing Sa labas ng lumang simbahan, tahimik ang mundo. Ang kadiliman ng hapon dahil sa pagbabadya ng ulan ay wari'y panaghoy ng kaluluwang humihingi ng isa pang pagkakataon. Sa pagitan ng dilim at hangin, nagkukubli ang mga lihim ng nakaraan at mga kwento ng pag-ibig, pangarap, at pusong iniwan nang walang katapusan.
Mary Anica Vernice "Mav" Alcantara, isang guro sa modernong panahon, ay nabigyan ng kakaibang pagkakataon upang muling tuklasin ang kahulugan ng buhay. Sa gitna ng pangungulila at hinagpis, dinala siya ng kanyang mga paa sa simbahan upang wakasan ang lahat. Doon, taimtim na nagsusumamo upang wakasan ang buhay niya.
Ngunit sa mismong sandaling iyon, ang kanyang daing ay nagtagpo sa huling panalangin ng isang dalagang nagmula sa nakaraan,si Maria Veronica Enriquez, na bago pumikit ang kanyang mga mata dahil sa karamdaman, ay nagnasang mabuhay nang mas matagal. Ang dalawang tinig na sabay na umalingawngaw ay nagbukas ng isang puwang, isang rift sa pagitan ng mga panahon.
Isang pintuan ang bumukas. Isang panalangin ang dininig.At sa isang kisapmata, nawalan ng malay si Mav... upang magising sa isang mundong hindi kanya, kung saan ang bawat hakbang ay may kabayaran, at bawat sandali ay maaaring magbago ng kapalaran.
Dito magsisimula ang kanyang paglalakbay-isang paglalakbay sa pagitan ng nakaraang panahon, dalawang katauhan, at iisang diwa. Isang puwang na maglalantad ng mga lihim, magbabalik ng pag-ibig, at susubok sa hangganan ng kapalaran.
"Kamatayan ang nagdala sa iyo sa ibang panahon upang mabigyan ka ng pagkakataon na mabuhay, ngunit paano ka mabubuhay sa panahong matagal ng nagdaan? Isang siglo. Isang daang dipa ang layo ng iyong panahon sa panahon kung kailan saan ka dinala ng tadhana."