Sa unang tingin, mukhang perpekto ang pamilya ni Alina Vega - anak siya ng Mayor, pamangkin ng Congresswoman, at tagapagmana ng isang political dynasty na sinasamba ng lungsod. Pero sa likod ng mga campaign photo, foundation launches, at Sunday outreach programs, may mga tinig na matagal nang pinatahimik. Ano'ng gagawin mo kung ang pamilyang nagbibigay sa'yo ng pangalan at proteksyon ay siya ring dahilan ng pagdurusa ng iba?
Alina never intended to be a whistleblower. Gusto lang niya magsulat tungkol sa pagkain, kultura, at mga simpleng kwento ng komunidad. Pero isang viral turon, isang dugong dumapo sa briefcase, at isang batang nadurog ng gulong ng bulldozer ang nagbago sa takbo ng kanyang panulat. With every exposé she writes, the walls of privilege she grew up in begin to crack - and the cost of truth grows heavier each day.
Kasama ang ilang estudyante, aktibista, at tribung matagal nang pinalayas sa sarili nilang lupa, Alina starts to piece together a blood-stained puzzle of corruption, displacement, and systemic abuse. Pero hindi lahat ng totoo ay ligtas ikwento - lalo na kung ang kalaban ay pamilya mo mismo. Sa ilalim ng liwanag ng student publication na Torchline, isang rebelde ang isinilang. Pero sino ang handang mamatay para sa kwento ng iba?
Habang mas lalong umiinit ang laban sa korte, sa lansangan, at sa cyberspace, humihina rin ang pagitan ng "Alina Vega, anak ng politiko," at "Alina Vega, tinig ng bayan." Ngunit sa bawat artikulo, mas lumalalim ang panganib. When the final truth is typed, will it bring justice - or silence?
Kung ikaw ang nasa lugar ni Alina... ipaglalaban mo ba ang katotohanan, kahit ang kapalit ay sarili mong pangalan?
All Rights Reserved