
Sa gitna ng unos at ligaya, may isang katotohanan na lalo'y tumitimo: "Life is bitter yet wonderful." Isang pahayag na tila simpleng mga salita, ngunit nagtataglay ng malalim na kahulugan. Ito ang mga katagang lagi nang pinanghahawakan ni Yew, isang gabay sa bawat pagbagsak at pag-ahon. Ngunit may tanong na laging umiikot sa kanyang isipan: Hanggang kailan niya kayang panindigan ang buhay na puno ng sakit at pagdurusa? Sa mundong puno ng kaguluhan at pag-asa, madalas natin makalimutan ang tunay na diwa ng buhay. Ngunit sa likod ng bawat luha at ngiti, may kwento ng pag-ibig, pag-asa, at paglalaban. O baka naman, may kwento ng pagbagsak at pagtatapos? Ito ang kwento ni Yew, isang buhay na nagpatunay na kahit puno ng pagdurusa, may mga desisyong hindi na mababago. Ang tanong ay: Ano ang mangyayari kapag ang sakit ay naging mas matindi kaysa pag-asa?All Rights Reserved
1 part