19 parts Ongoing Akala ni Keira, madali lang magsimula ulit - bagong school, bagong classmates, bagong buhay. Pero sa likod ng bawat ngiti niya, may mga alaala pa rin ng pagkabata na hindi niya kayang kalimutan.
Pagpasok niya sa senior high, hindi niya inexpect na makakahanap siya ng mga taong bubuo sa mundo niya ulit - sina Chea, Alex, Kim, at Ami, na unti-unting nagpuno sa mga puwang sa puso niyang matagal nang bakante.
At sa pagitan ng mga tawanan, kwentuhan, at bagong simula, may isang ngiti mula kay Ethan na tila kayang bumura ng lahat ng pait ng nakaraan.