Limang rich kid.
Dalawang unwilling locals.
Isang baranggay na walang signal, walang aircon, at walang kawala.
Ang akala nilang chill na summer vacay, naging ultimate punishment: isang buwang stay sa Balinkasay - isang tahimik na baryo kung saan ang tanging entertainment ay mag-igib, maglinis ng bodega, at makipagplastikan sa mga kasama mong ayaw mo rin.
Pero habang nagkakagulo sila sa araw-araw na tasks, walang-walang kuryente, at may tensyon sa bawat sulok ng bahay... unti-unti rin silang natutong makisama, makitawa, ma-in love (konti lang, maybe?), at harapin ang sarili.
Kasi minsan, ang tunay na connection... nagsisimula kapag nawala ang signal.