Villian in the book

Villian in the book

  • WpView
    Reads 13
  • WpVote
    Votes 2
  • WpPart
    Parts 3
WpMetadataReadOngoing49m
WpMetadataNoticeLast published Thu, Jul 17, 2025
Busy ako sa buhay college-not until now. Bigla na lang akong nagising sa isang misteryosong silid. Lahat ng nasa paligid ko ay luma, pati ang kuwarto ko-parang naipit sa isang lumang alaala. Hindi nagbago ang mukha ko, pero ang pagkakaayos ng katawan ko ay tila nagmula sa ibang panahon, malamlam at panimdim. Nakasuot ako ng isang eleganteng kasuotan, kulay grey na mistulang anino ng gabi. Ang buhok ko-itim, malalim ang kulay, bahagyang nakalugay sa balikat at medyo humaba nang kaunti. Sariwa at matalim ang tingin ng mga matang kayumanggi ko, na parang nagtataglay ng lihim. Pagkaraan ng ilang saglit, pumasok sa silid ang isang babae. Ang kanyang tinig ay may halong kaba at pag-aalala. "Binibining Aurora, nabalitaan ko ang nangyari kanina sa hardin. Nais kong malaman ang iyong kalagayan!" sabi niya, na para bang tumutukoy sa akin. Binibining Aurora? Hindi ba iyon ang pangalan ng kontrabida sa librong binasa ko? Bakit ako tinatawag sa ganung pangalan? Ano bang nangyayari dito?
All Rights Reserved
#13
merriage
WpChevronRight
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • THE STORY OF THE SECOND FLOOR OF THE UNIVERSITY
  • I'll be Waiting for you (When We Were Juniors Series #4)
  • My Father Obsession ( Step father)    Complete ✅
  • ESTRANGHERO
  • PASST - ANG SISTEMA AT ANG MULTO (COMPLETED)
  • The Secret Island
  • The Echoes of Regrets (When We Were Juniors Series #1)
  • Soft Boys Series1: PLACEBO
  • Luxcia Locrane [Journey to the Seven Kingdoms]
  • "*°• Shadow of Angel•°*"˜

"THE STORY OF THE SECOND FLOOR OF THE UNIVERSITY" Sa isang kilalang unibersidad na matagal nang naitatag, may isang lugar na bihirang napapansin-ang ikalawang palapag ng pinakamatandang gusali sa campus. Sa araw, isa lamang itong tahimik at lumaing bahagi ng paaralan, pero sa gabi... ibang kwento na ang umiiral. Matagal nang usap-usapan ng mga estudyante at guro ang mga kababalaghang nangyayari roon. May mga nawawalang tunog ng yapak kahit walang taong naroon, mga bintanang biglang bumubukas kahit walang hangin, at mga ilaw na nagkikislapan kahit patay na ang kuryente. Ngunit ang mas nakakakilabot-may mga estudyanteng umakyat doon at hindi na muling nakita. Ang iba nama'y bumaba na may basang-uniform kahit walang ulan, namumutla, at tulala-parang may nakita silang hindi kayang ipaliwanag. Pinagbabawal na ang pag-akyat sa ikalawang palapag, ngunit sa bawat henerasyon, may mga matitigas ang ulo-o sadyang curious-na sumusubok tuklasin ang misteryo. Ang hindi nila alam, ang lugar na iyon ay hindi basta lumang silid... ito ay isang bitag. Isang lugar kung saan naiipon ang matinding emosyon ng mga kaluluwang hindi matahimik-mga nawalan ng buhay, ng pag-asa, at ng pangarap sa mismong pader ng unibersidad na ito. At ngayong muli, isang bagong grupo ng estudyante ang napapadpad malapit sa katotohanan. Sa paglalakad nila papunta sa ikalawang palapag, mararamdaman nila ang malamig na hangin, ang biglang pagbagsak ng katahimikan, at ang mga matang hindi nila nakikita-pero ramdam na ramdam. Ito ang kwento ng mga lihim na hindi kayang tuldukan, ng katotohanang gustong itago, at ng isang lugar na dapat sana'y iniwan na sa lumipas na panahon. Ito ang The Story of the Second Floor of the University.

More details
WpActionLinkContent Guidelines