Isang dalagang may misteryosong karisma, isang lalaking tahimik pero mapang-akit, at isang tagpong nag-umpisa sa malamig na pagkakabangga.
Si Chel Montevero, tanging tagapagmana ng Montevero Empire-maganda, matalino, at may bahid ng hiwaga. Pero sa likod ng lahat ng yaman, may itinatagong lungkot at tanong sa kanyang pagkatao.
Si Ivan Solidad, isang lalaking parang hindi mapuntahan-strict, tahimik, at parang bato ang puso. Ngunit may lihim din itong pinaglalaban.
Isang banggaan sa tabing dagat. Isang sulyap na hindi tinumbasan ng kahit anong pansin. Pero ang isang walang kwentang tagpo ay magbubukas ng isang kwento ng tensyon, tukso, at mga lihim na hindi nila inaasahang babago sa kanila.