Magka-klase sila. Naging magkaibigan.
At sa pagitan ng tawanan, kulitan, at mga sulyap may naramdaman silang hindi nila maamin.
Si Samantha at Kurt, parehong piniling unahin ang pangarap bago ang pag-ibig.
Naghiwalay sila, hindi dahil sa kakulangan ng damdamin, kundi dahil sa kulang pa silang dalawa kulang pa sa panahon, sa tapang, at sa tiwala.
Pagkalipas ng ilang taon, muling nagtagpo ang kanilang mga landas.
Mas matatag. Mas tahimik. Pero ang damdamin... naroon pa rin.
Handa na ba silang sumugal? O huli na ang lahat?
Ito ang kwento ng dalawang pusong pinagtagpo ng tadhana minsan, pinakawalan... pero muling pinili.
Dahil bago pa tuluyang tumigil ang orasan,
May pagkakataon pa...
Para sa isang pag-ibig na hindi kailanman nawala.