Upside Down
Written by Heartless
Akala ni Mira, normal lang ang buhay niya-puno ng pressure sa school, problema sa pamilya, at mga alaala ng isang nakaraan na gusto na niyang kalimutan. Pero lahat nagbago nung nakilala niya si Evan... isang lalaking laging nakikita niyang nakabaligtad.
Sa tuwing magtatagpo ang mga mata nila, may kakaibang koneksyon. Pero kasabay ng paglapit nila sa isa't isa, may nagsisimulang magbago sa paligid ni Mira-mga aninong gumagalaw, mga bulong sa dilim, at mga salamin na nagpapakita ng kung ano ang hindi dapat.
Unti-unti niyang natutuklasan, hindi lang simpleng sumpa ang bumabalot kay Evan... kundi isang madilim na lihim na maaaring kumitil ng buhay nila. Sa mundong baliktad, saan ka tatakbo kung ang takot ay hindi mo na matukoy kung totoo o imahinasyon? At paano kung ang pag-ibig ang mismong daan papunta sa kapahamakan?
Isang kwento ng kababalaghan, misteryo, at pag-ibig na pinagtagpo ng dilim at sumpa.