5 de capitole În curs de desfăşurare They say the person you hate the most... is the one you can never truly avoid.
Maaya "Aya" Francisco never asked for a perfect life - only peace.
Lumaki siyang mabait, matalino, at mapagmahal na anak sa tapat na kasambahay ng pamilyang Alcaraz. Pero nang pumanaw ang kanyang lola na siyang nag-alaga sa kanya, napilitan siyang lumuwas ng Maynila para makasama ang ina at para ipagpatuloy narin ang kanyang pag-aaral sa Westwood University - isa sa mga pinakasikat at pinakamasosyal na unibersidad sa bansa kung saan puno ng mga taong iba ang mundo sa kanya.
Tahimik lang ang gusto ni Aya - 'yung makapagtapos sa pag-aaral, makahanap ng magandang trabaho at i-ahon ang pamilya sa kahirapan.
Pero mukhang hindi 'yun gano'n kadali.
Dahil sa unang linggo pa lang niya sa campus, nakaaway na agad niya ang isang Catherine Leigh "CL" Lockhart - maganda, mayaman, sexy at medyo supladang most popular student ng campus. Kinaiinggitan ng mga girls, kinababaliwan ng mga boys at kinatatakutan ng mga naaaway niya.
Ginagawa ni Aya ang lahat para maging maayos lang ang pag-aaral niya sa Westwood... pero bakit parang laging may "plot twist" kapag si CL na ang kaharap?