Hindi lahat ng liwanag ay ilaw.
Minsan, ito'y apoy na walang alinlangang tutupok sa iyong inosenteng kaluluwa.
Si Marcelino - isang batang pilit pinapasan ang daigdig, masundan lamang ang liwanag ng kanyang ama at maramdaman man lang kahit minsan ang init ng pagmamahal nito. Subalit, ang liwanag na 'yon ay naglalagablab palang apoy na tutupok sa kanyang musmos at inosenteng damdamin na siya ring dahilan ng kanyang nakakakilabot na pagbabagong-anyo.
Naging biktima, Tumakbo, lumaban, napasok sa sindikato, natutong pumatay - at naging hukom ng kadiliman.
Isang aninong sa bawat yapak, kamatayan ang dala.
Hanggang sa dumating ang isang binatilyong pinuno ng kinatatakutang grupong Pulang Anino.
Nagtagisan sila sa gitna ng dilim at apoy - magkaibang dahilan, ngunit iisang ipinaglalaban.
Hanggang bigyan siya nito ng bagong dahilan upang mabuhay... at muling lumaban.
Ngayon, bilang Ikalawang Kumander ng alamat na Pulang Anino,
babalikan niya ang kanyang nakaraan.
Ngunit...
Anong halaga ng tagumpay, kung ang anino ng nakaraan ang siyang sumasakal sa kanyang kasalukuyan?
Wawakasan na ba niya ang apoy na ito?
O, hahayaan na lang ba niyang sunugin at lamunin pa nito ang iba, habang siya'y nananatiling multo ng sarili niyang alaala?
All Rights Reserved